Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

CITY AGRICULTURIST HEAD MELISSA LETARGO, HINIKAYAT ANG MGA LUCENAHIN SA PAGTATANIM

Upang mas maisakatuparan ang hangarin na maging ‘food-secured and food self-sufficient’ ang lungsod ng Lucena, hinikayat ng City Agricultur...

Upang mas maisakatuparan ang hangarin na maging ‘food-secured and food self-sufficient’ ang lungsod ng Lucena, hinikayat ng City Agriculturist Office Head na si Melissa Letargo ang mga Lucenahin na magsagawa ng pagtatanim sa pamayanan.

Sa naging pahayag ni Letargo, mas mainam aniya na mamuhay sa isang pamayanan na nasisiguro ang kaligtasan ng mamamayan dahilan sa malinis na kapaligiran gayundin sa mga masusustansyang supply ng pagkain.

Dagdag pa nito, bagamat marami na nga aniyang mga malalaking establisymento at buildings na nakatayo sa lungsod na isa ngang patunay na napakabilis ng pag-unlad at pagsulong ng lungsod dahil na din sa maayos at mahusay na pamamahala ng pamahalaang panlungsod sa pamumuno ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Kinakailangan pa din aniyang panatilihin ang pagtatanim lalo’t higit sa mga barangay, na hindi lang makakapagbigay ng atraksyon kundi maaari ding pagkuhaan ng makakakain.

Ang bawat bakuran ng tahanan o anumang espasyo ay maaring taniman ng mga gulay, prutas, medisinal na pananim at iba pang mga halaman na mapapakinabangan sa pang araw-araw na pamumuhay.

Ayon pa kay Letargo, maaari ding gamitin ang mga plastic containers, bottles, gulong at iba pa para pagtaniman na makakatulong din sa patuloy na pagbabawas ng basura sa lungsod.

Inaasahan naman ang patuloy na pagsasagawa at pagpapatupad ng tanggapan ng City Agriculturist ng mga programang pang-agrikultura para sa mamamayan ng lungsod ng bagong Lucena. (PIO Lucena/ M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.