Gen. Rhoderick M. Parayno by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales Camp Gen. Capinpin, Tanay Rizal -- “Mahina na ang pwersa ng NPA kaya mga so...
Gen. Rhoderick M. Parayno |
by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales
Camp Gen. Capinpin, Tanay Rizal -- “Mahina na ang pwersa ng NPA kaya mga soft target o mga sibilyan ang target ng mga ito” ang sinabi ni Gen. Rhoderick M. Parayno, sa panayam ng Sentinel Times kamakailan. Aniya, hindi nila bibigyan ng puwang ang mga teroristang “NPA” na makapaghasik ng kaguluhan at makapaminsala ng arian-arian ng mamamayan. Ayon kay Gen. Parayno ,kasalukuyang Commanding General ng 2nd Infrantry Division ng Philippine Army sa ilalim ng Southern Luzon Command na iilan na lamang ang natitirang aktibong miyembro ng teroristang NPA sa kanyang area of responsibility dito sa CALABARZON at MIMAROPA na sa kanyang pagtaya ay umaanot na lamang sa humigit dalawang daan ang bilang ng mga ito. Siniguro din ni Gen. Parayno na nakahanda ang 2ID ng Phil. Army at lahat ng kasundaluhan sa anumang masamang binabalak ng CPP-NPA laban sa gobyerno at sa iba pang tactical operations ng teroristang NPA.
Samantala naging panauhing tagapagsalita itong si USEC. HAROLD E. CLAVITE, Director General ng Philippine Information Agency sa ginanap na 2ID Press Corps Seminar and Fellowship 2018 sa Camp Gen. Capinpin, Brgy. Sampaloc, Tanay Rizal. Pangunahin sa mahalagang mensahe ni Clavite ay ang pagpapahalaga sa katotohanan ng media. Bago ang mensahe ni USEC. Clavite ay naunang nakapagsalita itong sina Robert Maico, para sa Video Coverage and Technical Production for TV Broadcast and Social Media. Si Zen Trinidad, PNA CALABARZON Editor ay tinalakay ang patungkol sa Fake NEWS at ang MEDIA NEWS LITERACY in the DIGITAL AGE.
Tinalakay naman ang mahalagang gawain ng isang News and Information Bureau Chief nitong si Saul Pa-a, PNA Regional Director partikular ang CHALLENGES IN MEDIA RELATIONS AND THE EMERGING MEDIA EFFORTS. Ang tamang pag gawa naman ang tinalakay ni Major Antonio Magisa, MI sa Philippine Army. Nagpasalamat si Ms. Pau Mojar, 2ID media Press Corp President sa mga nagsidalong miyembro ng Media sa CALABARZON at MIMAROPA Area.
No comments