Si Mayor Roderick " Dondon " Alcala kasama ang ilan sa mga miyembro ng dalawang Sustainable Livelihood Program Associations n...
Binubuo ang dalawang asosasyong nabanggit ng Graceland General Merchandise SLPA na may dalawampu’t anim na miyembro at makakatanggap ng dalawang daan at animnapong libong piso, at ang Ransohan General Merchandise SLPA na may tatlumpo’t dalawang miyembro at makakatanggap ng tatlong daan at dalawampung libong piso.
Sumatutal ang dalawang asosasyon ay napagkalooban ng tinatayang limang daan at walumpong libong halaga ng pondo sa pamamagitan na din ng Seed Capital Fund modality sa ilalim ng sustainable livelihood program na isa sa core unit ng ahensya ng DSWD.
Ang capital assistance na nabanggit ay ang gagamitin nila sa pagtatayo ng kanilang group enterprises at ang gagamitin din sa pagtatatag ng proposed general merchandise; isa sa karagdagang income generating project ng mga nasabing asosasyon.
Ayon kay Levi Aderes, PDO II ng SLP- Lucena City, ang kanilang tanggapan ay nag organisa ng tatlong samahan at isinumite ang project proposal ng mga ito at mga kaukulang dokumento na itinakda ng ahensya para sa pagbibigay dito ng pondo.
Ang dalawa nga sa tatlo ay nabigyan na ng pondong alokasyon habang ang natitirang isa naman ay inaasahang ire-released sa ikatlong kwarter ngayong taon.
Ang pagkakaloob nito ay alinsunod na din sa section 5 urban transport to civil society Organization of the general appropriations act of 2017 at ng DSWD Memorandum circular No. 13 series of 2017.
Ang Sustainable Livelihood Program ay isang community based capacity building program na naglalayong mapabuti ang economic coditions at makapaglaan ng isang sustainable source of income para sa mga 4Ps benefeciaries, Listahan identified households at iba pa. (PIO Lucena M.A Minor)
No comments