Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Forum para sa fake news at press freedom, isasagawa sa Lungsod

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Sa pagnanais na maibukas sa isipin ng bawat mamamayan partikular na sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagkaka...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Sa pagnanais na maibukas sa isipin ng bawat mamamayan partikular na sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman pagdating sa pagdidistinguish ng fake news sa real news o yung mga balitang may factual basis at maipamulat ang kahalagahan ng press freedom sa demokrasya, ay magsasagawa ng isang pagtitipon tungkol dito.

Gaganapin ang isang forum na pinamagatang Click and share: the Philippine free press freedom and democracy in the digital age of fake news bukas, ika- dalawampu’t tatlo ng marso.

Sa naging panayam ng TV12 kay Konsehal Sunshine Abcede-Llaga, ang forum na ito ay naglalayong maging equipped at wiser ang mga kabataan sa kung paano nila malalaman ang totoo sa hindi totoo lalo’t higit sa aspeto ng news na makikita sa social media, bilang isa ito sa maituturing na source of information ngayon.

Tatalakayin din dito aniya ang usapin tungkol sa free press freedom o ang kalayaan ng mga mamamahayag na magbalita ng mga pangyayari sa ating bansa.

Target na maging kabahagi at partisipante dito ay ang mga kabataan sa lungsod na nasa senior, junior high school at maging collegiate level na mga student council officers na posibleng maging future leaders din.

Magsisilbing tagapagsalita naman sa naturang forum si Robert Jaworski Abaño ng Philippine Daily Inquirer at Ram Talabong ng Rappler.

Iniimbitahan naman ng konsehal ang mga eskwelahan sa lungsod, pribado man o publiko na magpadala ng kanilang student leaders para maging participants ng nasabing forum.

Mensahe naman ni Abcede sa mga makikilahok sa forum n asana ang lahat ng kaalaman na kanilang matututunan ay dalhin at ibahagi din nila sa kanilang tahanan at eskwelahan.

Sa huli ay inaasahan ang patuloy na pakikiisa at pakikibahagi ng mga kabataan sa iba’t ibang programa at proyekto ng pamahalaan para sa kanila. (PIO Lucena- M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.