Si Mr. Carlo Costales ng DSWD Officer ng Angeles City habang tinatalakay ang GAD Framework sa BCLP Convention by Ace Fernandez, Lyndon ...
Si Mr. Carlo Costales ng DSWD Officer ng Angeles City habang tinatalakay ang GAD Framework sa BCLP Convention |
by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ la liga pilipinas
Matagumpay na maituturing ang ginanap na Barangay Councilors League of the Philippine (BCLP)National Convention na ginanap kamakailan sa Royce Hotel and Casino Clark Base Pampanga.
Dinagsa ang nasabing BCLP Convention ng mga deligado na nagmula pa sa ibat-ibang ng Luzon, Visayas at Mindanao na umabot sa humigit isang libong miyembro na nasabing grupo na ayon kay Kgwd. Susan Caballes pangulo ng SABAKS ay ito na umano ang pinamakaraming bilang ng mga dumalo sa kasaysayan ng BCLP.
Ang naturang Convention for Barangay Leader on the Imparative for Transition to Federalism at may temang “Maximizing the Potentials and Strength for all Barangay Officials” ay napapanahon ayon kay Nat’l BCLP President Rey Junio sapagkat kailangan umanong mas lumalim pa ang pagkakaunawa ng mga Barangay Officials tungkol sa Federalism at iba pang mga gawain sa barangay.
Kasama sa mahalagang agenda ng BCLP Convention ay ang Gender and Development (GAD) Framework na tinalakay ni Mr. Carlo Costales-DSWD Officer ng Angeles City na sinabing magkakaroon lamang ng totoong pag-unlad kapag may respeto sa isa’t-isa at walang maiiwan isa man sa mga mamamayan. Aniya, ang GAD Focal Point System na dapat ipatupad ay ang iliminasyon ng diskriminasyon sa kababaihan sapagkat marami umanong karapatang pangbabae ang natatapakan. “Gender and Development is about recognizing that gender basis impede development because they prevent people from attaining their full potentials which will enable them to become contributors to development”. Ang gender isyu din umano ay nakakaapekto sa lahat kaya nais umano ni Pangulong Rodrigo Roa Deterte na kasama ang lahat sa pag-unlad dagdag pa ni Costales.
Ang kahalagahan naman ng Disaster Preparedness at Emergency response ang tinalakay ni G. Jeffrey Santos, kapatid ng artistang si Juday Santos at MMDA Volunteers Group. Ayon kay Santos, kailangang malaman ang tamang protocols ng emergency sa barangay bago pa man o sa panahon mismo ng kalamidad. Pangunahin dito ay ang mitigation and planning at profile assessment ng lugar and planning at profile assessment at evaluation matapos na tamaan ng trahedya ang isang komunidad. Mahalaga rin umano ang documentation at e-define ang mga emergency places at huwag magpanic at gawin ang plano sa emergency. Dapat din daw tanggapin ng mga tao na totoo ang banta sa buhay at ari-arian ng mga mamayan ng kalamidad ayon pa kay MMDA Disaster Volunteer Jeffrey Santos.
No comments