by Allan P. Llaneta Candelaria, Quezon -- Tinatayang nasa 10 ektaryang lupain na sa bahagi ng Mt Masalukot 3 sa Candelaria Quezon ang...
by Allan P. Llaneta
Candelaria, Quezon -- Tinatayang nasa 10 ektaryang lupain na sa bahagi ng Mt Masalukot 3 sa Candelaria Quezon ang nagkakaroong ng Grass fire sa ngayon.
Ayon kay Mt. Banahaw at San Cristobal Protected Area Superintendent Sally Pangan ang nasusunog ay madamong bahagi na ginagawang pastulan ng baka sa nabanggit na lugar.
Noong nakaraang taon ay nasunog na rin umano ang bahaging ito ng Mt. Masalukot kung saan nasunog ang nasa 50 ektaryang lupain ng damo at nasunog rin ang mga endangered na hayup at mga pananim dahilan sa naiwang apoy ng mga hikers.
Samantala, una nang pinabulaanan ni PASU Sally Pangan na ang nasusunog ay ang bahagi ng Mt. Banahaw na unang inanunsyo ng Bureau of Fire Protection. Ang Sunog ay sanhi nang pagsusunog nang mga kaingero damo para pagtaniman nila yong lupa.
No comments