Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Hakbangin ng CHO hinggil Dengvaxia sa Lungsod, inihayag ng hepe nito

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon --“Bilang isang lokal na gobyerno, tungkulin natin na iinform ang ating mamamayan kung ano ba ‘yong mga bagay par...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon --“Bilang isang lokal na gobyerno, tungkulin natin na iinform ang ating mamamayan kung ano ba ‘yong mga bagay paraang maalis ang kanilang pangaba sa kontronersiyang ito.Sapagkat kahit n asabihing 1 sa 2 sa isang libo ang naaapektuhan, nevertheless, buhay parin po ‘yan na ipag-alala ng bawat isang magulang.”

Ito ang binigyang diin ni Kon. Nick Pedro sa ginawang pagpapatawag ng Sanguniang panlungsod sa mga kawani ng City Helath Office at Department of Health kamakailan.

Sa pagputok ng isyu tungkol sa dengvaxia, maraming mga Lucenahin ang nabahala sa kaligtasan ng kanilang mga anak at tungkulin ng pamunuang panlungsod ang kumilos at magsagawa ng mga karampatang aksyon nang sa gayon ay mapanatag ang kalooban ng nasasakupan nito.

Bilang pagtugon dito, inilahad ng hepe ng City health office na si Dra. Jocelyn Chua ang mga hakbangin na pinangunhaan ng kanilang tanggapan ukol sa kontrobersiya.

Ani Chua, nakipagtulungan ang kanilang tangapan sa DepEd sa tulong na rin ni Dr. Aniano Ogayon, Division Superintendent, DepEd Regionn 4-A, Calabarzon upang tutukan ang mga paaralan partikular na ang mga guro na alam nilang unang lalapitan at tatanungin ng mga magulang ng mga batang nabakunahan.

Sa tulong rin aniya ni Ogayon , hanggang ngayon ay tuloy-tuloy ang pagpunta ng grupo ng CHO sa mga eskwelahan na nakilahok sa school based immunization program na ito ng DOH upang mamigay ng pumplets at magbigay ng tamang impormasyon sa mga magulang.

Ayon kay Chua, ang pinasimpleng proseso na dapat gawin ng mga magulang ng mga benefeciaries ay una, kapag may naramdamang sintomas ang sino mang naturukan ng dengvaxia, magtungo agad sa pinaka pinagkakatiwalaan na manggamot. Pangalawa, sundin kung ano man ang disposisyon at bilin nito. At panghuli, kung sakaling bumalik ang mga magulang at magtanong sa guro ng tungkol dito, mangyaring pabalikin sa primary office o sa kung saan naunang nagpatingin at hayaang ang mga ito na ang tumugon sa mga katanungan ng mga magulang.

Umapela naman ang hepe ng CHO sa mga lucenahin na maging parte ng solusyon ng isang problemang nangyari na at kasalukuyang kinakaharap ng sambayanan. Kaugnay nito ay tiniyak ni Chua na tuloy-tuloy parin ang isisnasagawang pagmomonitor ng kanilang ahensya sa mga batang naturukan ng dengvaxia gayundin ang pagpapakalat ng mga impormasyon sa mga magulang ng nararapat na malaman at gawin hinggil sa isyung ito.

Sa mga hakbanging ito na isinasagawa ng pamahalaang panlungsod para mga nag-aalalang mga magulang ng mga batang naturikan ng dengvaxia, umaaasa ang pamunuan ng lucena lalong lalo na ang city health office na magdadala ito ng kapanatagan sa mga magulang lalo pa ngayon at naipabatid na sa publiko ang kung anong nararapat na gawin.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.