Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

HEPE NG LUCENA PNP, NAGPAHAYAG NG PASASALAMAT KAY MAYOR DONDON ALCALA SA SUPORTANG NATATANGGAP NG KANILANG AHENSYA

Nagpahayag ng pasasalamat ang buong tanggapan ng Lucena PNP sa suportang natatangap ng kanilang ahesya sa pangunguna ng hepe nito na si P....

Nagpahayag ng pasasalamat ang buong tanggapan ng Lucena PNP sa suportang natatangap ng kanilang ahesya sa pangunguna ng hepe nito na si P. chief Supt. Vicente Cabatingan.

Matatandaang naging matagumpay ang isinagawang opersyon kamakailan ng halos 100 polisya kasama ang Philippine drug enforcement agency at ilang mga kasamahan sa Laguna PNP laban sa illegal na droga na kung saan mahigit sa 50 katao na rsidente ng Brgy Dalahican ang nadakip na may kaugnayan sa illegal na pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gamot

Kaugnay nito, ipinahayag ng hepe na hindi ito magiging posible kung wala ang tulong at suporta ng punong lungsod sa kanilang tanggapan kung kaya’t nagpahayag ng pasasalamat ang hepe ng ahensya kay Mayor Dondon Alcala sa pagsuporta nito sa ano mang hakbangin ng kanilang ahensya na makatutulong sa pagpapanatili ng apayapaan at katahimikan sa lungsod.

Gayundin aniya sa pagbibigay ni Mayor Dondon Alcala ng pagkilala sa kanyang mga kasamahan sa pulisya sa pagsusumikap ng mga itong magampanan ng mabuti ang kanilang tungkulin.

Ani Cabatingan, napakalaking tulong nito sa mga kapulisan upang mahikayat na pagbutihin pang lalo ang paggampan sa kani-kanilang tungkulin sa bayan.

Inamin naman ni Cabatingan na bagamat patuloy ang isinasagaw nilang mga oprsyon laban sa illegal na droga ,hindi pa rin umano humihinto ang kalakalan nito sa lungsod. Kung kaya’t kaugnay nito ay nagbigay ng mensahe si Cabatingan para sa mga patuloy na tumatangkilik sa pagamit at pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

Katulad ng suporta ng punong lungsod sa kanilang tanggapan, nangako rin ang hepe ng pulisya na gayun din ang pagsuportang ibibigay ng kagawaran ng pulisya sa kampanyang ito ng punong lungsod laban sa droga.

Dagdag pa ni Cabatingan, napakaganda aniyang isipin na ang pamahalaang panlungsod katulad ng sa lungsod ng Lucena ay 100 porsyentong sumusuporta sa kampanya laban sa droga.

Ani ng hepe, makakaasa ang mga lucenahin na tuloy-tuloy ang kampanya ng kanilang tanggapan laban sa droga.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.