Tumanggap ng pauri ang hepe ng Lucena PNP na si si P/Supt. Vicente Cabatingan mula sa human right lawyer na si Konsehal Boyet Alejandrino i...
Tumanggap ng pauri ang hepe ng Lucena PNP na si si P/Supt. Vicente Cabatingan mula sa human right lawyer na si Konsehal Boyet Alejandrino ito ay matapos na isaagawa ng lucena PNP ang sunod-sunod na operasyon ng mga ito sa pagsugpo sa ilegal na droga sa lungsod nang mapayapa at walang dumadanak na dugo.
Matatandaang noong oktubre nang nakaraang taon ay itinigil na ng PNP ang pagpapatupad ng OPLAN tokhang sa buong bansa kasunod ng atas ni Pangulong Duterte na nagtatalaga sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na maging tanging ahensiyang na lamang na mangunguna sa kampanya kontra droga matapos ang matinding batikos na inani ng PNP dahil sa halos 18 buwan ng pagsasagawa ng OPLAN tokhang ay may halos 4 na libong katao na kasangkot sa droga ang naitalang napatay.
At noong Enero ng kasalukuyang taon naman ay muli itong ibinalik sa bagong anyo nito. Sa ilalim ng bagong Oplan Tokhang, bibisitahin ng mga tinatawag na Tokhanger ang mga bahay ng mga hinihinalang drug personality at kukumbinsihin silang sumuko at magpagamot sa pangunguna ng isang barangay official o barangay anti-drug council at dapat na may kasama ang mga itong media upang maiwasan ang extra-judicial killings. Isasagawa lamang ito mula Lunes hanggang Biyernes at mula alas-8 hanggang alas-5 lamang ng hapon.
Kaugnay nito ay tumanggap ng papuri si Cabatingan mula sa human rights lawyer na si Konsehal Alejandrino. Ani Alejandrino,nagpapasalamat siya at sa matagumpay na pagkakasuplong nila sa maraming bilang ng katao na mga kasangkot sa pagtutulak at paggamit ng ilegal na droga sa ilang barangay sa lungsod nang walang dumadanak na dugo at sa pagsunod at paggalang ng mga ito sa karapatang pantao ng mga kasangkot sa operasyong ito.
Sa kabila ng pasasalamat sa papuring natanggap, ipinahayag ni Cabatingan sa konseho na hindi nito maipapapangako na palaging ganoon ang magiging resulta ng kanilang mga operasyon laban sa droga. Kailangan din aniyang protektahan ang kanilang mga sarili lalo pa’t ang kinakalaban nila ay mga taong wala sa tamang pag-iisip.
Sa pagsugpo nila sa illegal na droga at sa pagdami ng kanilang nakakasagupa sa mga operasyaong kanilang isinasagawa ay nakatitiyak silang mas inilalagay nila sa panganib kanilang buhay. Gayunpaman, sinisigurado aniya ng kanilang grupo na ang lahat ng mga operasyon nila ay dokumentado mula umpisa hanggang dulo.
Umaasa ang buong pamunuan na bukod sa mga maliliit na isdang kanilang nahuli ay makabingwit rin nawa ang kanilang grupo ng malalaking isda nang sa gayon ay tuluyan nang mabuwag ang mga sindikato at malalaking personalidad na nasa likod ng pagpapalaganap ng illegal na droga na syang nagiging dahilan pa aniya ng pagrami ng mga nasisirang buhay.

No comments