LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Bilang ang buwan ng Marso ay ang buwan kung saan ipinagdiriwang ang National women’s month, isinulong ni Konse...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Bilang ang buwan ng Marso ay ang buwan kung saan ipinagdiriwang ang National women’s month, isinulong ni Konsehal Sunshine Abcede ang implementasyon ng isang programa para sa mga kababaihan sa lungsod ng Lucena.
Si Abcede kasi ang tumatayong chairman ng kumitiba para sa panlipunang kapakanan, may mga kapansanan, mga nakatatandang sector ng lipunan, mga kababaihan at ng pamilya.
Sa naging pahayag ni Abcede sa isinagawang regular na sesyon kamakailan, hinihiling niya ang suporta ng pamahalaang ehekutibo para sa pag-iimplementa ng Gender and Development Code o GAD para sa mga kababaihang Lucenahin.
Kaugnay nito, ninanais din ni Abcede ang pagbubuo ng gender focal point system at ang pagtatayo ng isang GAD office na siya nang tututok at mamamahala sa mga programa para sa mga kababaihan.
Dagdag pa ni Abcede, ang ahensya ng GAD ang mangangalaga at magpapatupad ng mga proyekto para sa ganitong issue na nasasangkot ang mga kababaihan upang mabigyan na din sila ng kaukulang proteksyon at kalinga gayundin ang mga kabataan sa lungsod.
Matatandaang ipinasa ang naturang alituntunin noong marso ng nakaraang taon kasabay din ng pagdiriwang sa Women’s month.
Bahagi nga ng Gender and Development code ang pagbababa sa pamayanan ng pagpapatupad ng principal laws against trafficking in person.
Ang hakbanging ito ni Abcede ay dahilan na din sa ilang serye ng operasyon ng Lucena PNP na sangkot ang mga kababaihan sa lungsod. (PIO Lucena M.A Minor)

No comments