Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

INILAHAD NA PALIWANAG UKOL SA ISYU NG DENGVAXIA, INAASAHANG MAGDUDULOT NG KAPANATAGAN SA MGA MAGULANG

“Yun pong ipinakita ngayon ng ating mga representatives from DOH at CHO, ay nakasagot sa mga alinlangan ng mga kababayan natin lalong lalo ...

“Yun pong ipinakita ngayon ng ating mga representatives from DOH at CHO, ay nakasagot sa mga alinlangan ng mga kababayan natin lalong lalo na ng mga magulang” ito ang naging pahayag ni Konsehal Nick Pedro matapos na ipresenta ng kinatawan ng DOH Regional Office 4-A na si dr. Ramir Cruz ang educational video tungkol sa Dengvaxia sa ginanap na regular na sesyon kamakailan.

Sa pagharap ng mga kinatawan ng Department of Health at ng City Health Office sa Sanguniang Panlungsod noong lunes, nagpakita ang mga ito ng educational video na naglalaman ng mga impormasyon at paliwanag na tiyak na makakapagpabawas ng pangamba sa mga lucenahin lalong–lalo na ng mga magulang ng mga batang naturukan ng anti-dengue vaccine na dengvaxia sa lungsod.

Bukod dito ay nagbigay rin ito ng datos mula sa University of the Philippines-Philippine General Hospital o UP PGH na kung saan ang naiulat aniya na 14 na mga batang namatay na naturukan ng dengvaxia ay malinaw na walang direktang kinalaman sa nasabing bakuna.

3 dito ay nabakunahan ng dengvaxia ngunit nagkaroon ng ibang malubhang sakit, kumbaga nagkaroon lamang aniya ng temporal association ang mga magulang sa Dengvaxia na kung saan ang lahat ng idinadaing na karamdaman ng mga batang naturukan nito ay ikinokonekta sa bakuna na pinalala pa aniya ng mga balitang lumabas ukol dito.

2 naman dito ay hindi matiyak kung ano ang naging karamdaman sapagkat kulang ang mga impormasyong ibinigay. 6 dito ang namatay pagkaraan ng 30 araw matapos na maturukan ng dengvaxia ngunit napag-alamang namatay dahil sa ibang sakit. 3 dito ang nakitaan naman ng Causal Association. Ang mga ito aniya ang mga namatay dahil nagkaroon ng dengue kahit naturukan na ng dengvaxia. 2 dito ay namatay kahit na naturukan na ng bakuna sa kadahilanang hindi nagresponde ang katawan ng mga ito sa anti-dengue vaccine na itinurok sa kanila makaraang makagat ang mga ito ng lamok na may dalang dengue.

Bunsod sa pangambang hatid ng pagputok ng isyu na ito sa mga magulang , nilinaw ni Cruz na hindi ang Dengvaxia ang nagdadala ng sakit na dengue, kinakailangan muna ng isang tao na makagat ng lamok na may dalang dengue bago ito magkaroon ng dengue syndrome o ng severe dengue.

Sa mga datos naman na nalikom ng Regional Epidemiology Surveillance Unit o RESU ng Region 4-A, mula noong taong 2015 hanggang taong 2017, ang mga munisipyo at bayan sa lalawigan ng Quezon na nakiisa sa School Based Immunization program na ito na pagtuturok ng bakunang dengvaxia, mas bumaba ang datos ng mga dengue cases kumpara sa isang bayan sa lalawigan na hindi nakiisa sa programang ito ng doh. Tumaas pa aniya ang kaso ng dengue cases sa lugar na ito.

Dagdag pa ni Cruz, bago magturok ng dengvaxia sa mga estudyante ng paaralan sa mga lugar gaya ng NCR, Region 3, at Region 4-A noong taong 2015 nasa 200,000 kaso ng dengue ang naitala na bumaba ng mahigit sa kalahating porsyento sa bilang na 97, 000 noong taong 2017. Kung saan malinaw na ipinapakita dito ang naging magandang epekto ng nasabinhg bakuna.

Ani cruz, sa ngayon ay patuloy parin ang isinasagawang mga eksaminsayon at pag-aaral ng UP-PGH Dengue Investigative Taskforce tungkol sa mga sinasabing pasyenteng nahospital pagkatapos na mabakunahan ng dengvaxia at kalaunay nangamatay. Kung kaya’t aniya’y wala pa silang maibigay na pinal na salita ukol dito.

Nagpahayag naman ang konseho ng pasasalamat sa pagpapaunlak ng mga kinatawan ng DOH at CHO sa kanilang imbitasyon na naging daan umano upang mabigyang linaw ang isyung ito na kinakaharap ng bansa simula pa noong nakaraang taon.

Sa kabila ng lahat ng mga balita ukol sa isyung ito na nagpapalala ng pangambang nararamdaman ng mahigit sa 3000 mga magulang ng mga estudyanteng naturukan ng anti-dengue vaccine sa lungsod, umaasa ang pamunuan ng Lucena na hindi man 100 porsyento na nawala ang agam-agam ng mga ito nawa ay makatulong ang paliwanag ng DOH at CHO upang mabawasan kahit na papaano takot na dulot ng kontrobersiya sa bakunang dengvaxia.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.