Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Isinagawang Council Convention ng Girls Scout of the Philippines, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala

Kasabay na ng selebrasyon ng womens month ngayon buwan ng marso ay nagsagawa naman ng Council Convention ang Girls Scout of the Philippines...

Kasabay na ng selebrasyon ng womens month ngayon buwan ng marso ay nagsagawa naman ng Council Convention ang Girls Scout of the Philippines, South Luzon Region na pinamunuan ng Lucena City Girls Scout Council.

Ganoon din ay kasabay ginanap ang Election of Officers para sa Triennium 2018-2021.

Dumalo sa nasabing aktibidad na ito si Mayor Roderick “Dondon” Alcala, malugod naman ang pagtanggap ng mga opisyales at mga miyembro ng Girls Scout of the Philippines na pinangunahan ng Council President Myla Mendiola.

Present din dito sina Dr. Aniano Ogayon School Division Superientendent ng DepEd Lucena, Executive Assistant IV Joe Colar at Dating Konsehal Felix Avillo.

Sa naging pananalita ng Punong Lungsod, karangalan aniya niya na mabigyan siya ng pagkakataong magsalita sa harap ng lahat ng mga Women Leaders.

Ayon naman sa Alkalde, may ilang mga kalalakihan rin naman na bahagi ng Council.

At binati rin nito ang mga kababaihan na naroon dahilan sa ngayon buwan kababaihan.

Ninanais rin ng Punong Ehekutibo, na maprotekyonan ang lahat ng mga karapatan ng bawat kababaihan na nagtataguyod ng isang kalidad at seryosong nagtratrabaho sa lokal na pamahalaan.

Ayon pa dito kinikilala rin natin ang likas na kagalingan ng mga ito sa kahit na anong larangan maging ito ay sa loob at labas ng tahanan.

Dagdag pa ni Mayor Dondon Alcala, na kasalukuyan din ay sabay na pinaiikot, sumasagwan sa alon, nagguguhit ng plano para sa kinabukasan at sabay rin lumalaban sa demokrasya, na namumuno at nagtatagumapay ang mga kababaihan at kalalakihan ngayon.

Samantalang taus puso naman nagpasalamat si Mayor Alcala, sa lahat ng mga miyembro ng Girls Scout of the Philippines na naroon sa nasabing aktibidad sa pag-imbita sa kaniya sa mahalagang okasyon ng mga ito.

Sa huli ay binigyan ng token ang punong lungsod bilang pasasalamat na rin ng mga ito sa suporta na ibinibigay nito sa kanila at nagpakuha ng picture sa Alkalde. (PIO Lucena/ J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.