Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kon. Alejandrino, hinikayat ang mga kababaihan na maging bahagi ng kandidatura para sa susunod na halalan

Hinikayat ni Kon. Alejandrino ang mga kababaihan sa lungsod na mas palakasin pa ang tinig ng mga ito sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng...

Hinikayat ni Kon. Alejandrino ang mga kababaihan sa lungsod na mas palakasin pa ang tinig ng mga ito sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng kandidatura sa susunod na halalan.

Sa paglipas ng panahon ay unti-unti nang tumaas ang katayuan ng mga kababaihan sa lipunan. Mula sa pagtupad ng mga obligasyon bilang isang ordinaryong may-bahay, ang tungkulin ng isang lider sa pamayanan ay kaya na rin Ng mga itong gampanan.

Ayon kay Alejandrino, sa loob ng 66 na taon mula noong taong 1952 hanggang sa taong kasalukuyan ay 18 kababaihan pa lamang ang naitatalaga bilang konsehala ng pamahalaang panlungsod. Ito ay sa kabila ng halos pagkakapantay ng populasyon ng mga kababaihan at kalalakihan.

Kabilang ang Pilipinas sa Top 10 na bansang may pinakamaliit na puwang sa pagitan ng babae at lalaki ngunit magpasa-hanggang ngayon tila napakalaki pa rin ng agwat ng lalaki at babae sa paghawak ng posisyon sa mga pampublikong tanggapan at pagdating sa kapangyarihan sa larangan ng pulitiko sa bansa.

Sa dami aniya ng populasyon ng mga kababaihan, nararapat lamang na iparinig ng mga ito ang kanilang tinig at maging parte ng pamunuan nang sa gayon ay magkroon ang mga ito ng mas malakas na representasyon sa pamahalaan na hindi naman umano imposibleng mangyari. Isang patunay nga rito ay ang pagkapangalawa ni Kon. Sunshine Abcede pagdating sa dami ng nakuhang boto sa pagkakonsehal bagaman nag-iisa lamang itong babae na sumali sa kandidatura noong nakaraang lokal na halalan.

Nagpahayag naman ng pagsang-ayon dito si Kon. Nick Pedro. Ayon sa konsehal, tila nawawalan ng representasyon ang publiko sa kung paano mapapahalagahan ang katalinuhan, kakayanan at maaring magawa ng mga kababaihan.

Mungkahi nito na magkaroon ng kaukulang pagsasaliksik ukol dito nang sa gayon ay makagawa na ng konkretong plano at makapag pasa ng isang kaukulang resolusyon na maghihikayat sa mga organisasyon at mga tanggapan ng pamahalaang panlungsod na gumawa ng mga programa na magpapalakas sa kakayahan ng mga kababaihan..

Ani Pedro, nararapat lamang ito sapagkat nakasalalay sa publiko ang pagpapasya sa mga uupo sa pwesto at kung wala aniyang malalim na pagintindi ang publiko sa usaping ito ay patuloy lang na ang mga kalalakihan lang ang palaging mamumuno.

Nagpahayag rin ng pasasalamat si Kon. Sunshine Abcede sa mga kasamahan nito sa konseho sa pagbibigay pugay at pag-kilala ng mga ito sa kakayahan ng mga kababaihan sa pagiging bahagi ng paglilingkod sa pamahalaan at sa pagsuporta ng pamahalaang panlungsod sa gender and development programs na syang tutulong aniya upang mas maiangat ang katayuan ng mga kababaaihan sa lipunang kanilang ginagalawan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.