Nagbigay paalala si Konsehal Anacleto Alcala III sa mga mamamayan para sa responsableng paggamit ng social media. Kaugnay ito sa pagtalakay...
Nagbigay paalala si Konsehal Anacleto Alcala III sa mga mamamayan para sa responsableng paggamit ng social media.
Kaugnay ito sa pagtalakay sa isinagawang regular na sesyon kamakailan, sa mga posibleng hindi magandang maidudulot at epekto ng paggamit ng social media sa maling paraan lalo’t higit sa usapin ng fake news.
Gayundin sa ilang mga issues na naganap sa lungsod, na konektado sa bullying na naunang kumalat sa pamamagitan ng social media.
Sa isang bagay kasi na iyong nakita, nabasa o napanuod sa social media ay maaari mo na itong ibahagi sa ibang tao sa pamamagitan ng pagpopost at pagshi-share nito gayundin ang pagre-react at pagbibigay ng komento para sa mga nais mong ipahayag tungkol dito.
Dagdag pa ni Konsehal Alcala, sa pamamagitan ng pagdadala at pagbababa ng ganitong usapin sa mga eskwelahan sa lungsod, sana aniya ay ma-encourage at mah ikayat ang bawat isa partikular na ang mga kabataan sa responsible at tamang paraan ng paggamit ng social media.
Inaasahan naman ang pakikiisa ng mga mamamayang Lucenahin sa naturang usapin para na din sa magiging kapakanan ng lahat ng nasa pamayanan. (PIO Lucena- M.A. Minor)

No comments