Muli na namang pinatunayan ng koponan ng Maryhill College High School Boys Basketball ang kanilang galing sa larangan ng pampalakasan nang ...
Muli na namang pinatunayan ng koponan ng Maryhill College High School Boys Basketball ang kanilang galing sa larangan ng pampalakasan nang muling magkampeon ang mga ito sa isinagawang Regional Private School Atlethics Association o PRISAA kamakailan.
Ginanap ang nasabing palaro noong ika-8 hanggang ika-11 ng Marso at naglaban-laban dito ang iba pang mga manlalaro mula sa pampribadong paaralan sa buong Calabarzon.
Sa pagkakapanalong ito ng naturang koponan, ito na ang kanilang ika-5 magkakasunod na taon na naglalaro sa Regional at ang kanilang pagkakawagi sa nasabing patimpalak ay naghatid sa kanila sa ikatlong pagkakaton upang lumaban sa National PRISAA Games.
Ang Maryhill College High School Boys Basketball ang siyang magrerepresenta sa Region 4A bilang defending champions sa National PRISAA na gaganapin naman sa ika-22 hanggang ika-28 ng Abril sa Tagbiliran, Bohol.
Noong nakaraang 2016, nakuha ng nabanggit na koponan ang 1st runner-up nang maglaro ang mga ito sa Koronadal, South Cotobato at nito namang 2017 ay nagkampeon ang mga ito sa nasabi ring palaro na ginanap sa Iba, Zambales.
Lubos namang nagpapasalamat ang lahat ng mga bumubuo ng team Maryhill College High School Boys Basketball unang-una sa kanilang coach na si Aris Mercene, na nahirang rin bilang best coach, sa lahat ng coaching staff, gayundin ang pamunuaan ng Maryhill College sa pangunguna ng school director na si Father Renato Naca at ang Quezon Poultry and Livestock Corp. Sa pamumuno ni Mr. Noel Raya at Sir Ronald Bebida at maging sa lahat ng Alumni ng Maryhill College sa pangunguna naman ni Mr. Willie Pagsuyuin. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments