Ribbon Cutting of Livelihood training center building in Brgy Santiago Gen. Trias Cavite with Alona Partylist Representative Anna Marie V...
Alona Partylist Representative Anna Villaraza Suarez |
GENERAL TRIAS, Cavite -- Pinangunahan ni Alona Partylist Representative Anna Villaraza Suarez ang ribbon cutting sa isang gusali ng Livelihood Training Center sa brgy Santiago sa General Trias Cavite noong Marso 9.
Ayon kay CongW. Anna Suarez, ang pagtatayo nila ng gusali sa tulong nina Cavite 6th district Cong. Luis Jonjon Ferrer at Gen Trias Cavite Mayor Antonio Ferrer ay upang makatulong sa mga kababaihan sa lugar na madagdagan ang kita sa pamamagitan ng mga livelihood program ng pamahalaan.
Binanggit pa ng mambabatas na ang pangunahing adbokasiya ng Alona Partylist ay makatulong sa kababaihan sa pamamagitan ng mga programa nila sa Kalusugan, livelihood at edukasyon.
Samantala, pinasalamatan naman ni Cong Ferrer si Suarez dahil sa malaki umanong tulong ng gusali sa lahat ng mga kababaihan na sakop nang kanyang distrito para sa kabuhayan ng mga ito.
No comments