Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Lucena PNP, pinarangalan dahil sa di matatawarang pagsisilbi sa lungsod

Si PSUPT VICENTE S CABATINGAN, ang Chief of Police ng Lucena PNP sa Traditional Monday Flag Raising kasama ang mga empleyado ng Pamahal...

Si PSUPT VICENTE S CABATINGAN, ang Chief of Police ng Lucena PNP sa Traditional Monday Flag Raising kasama ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Lucena na pinamumunuan ni Hon. Roderick “Don Don” Alcala, ay binigyan ng pagkilala at komendasyon sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Sangguniang Panlungsod - NO RESOLUTION. 17-440 Series of 2018 kamakailan na ginanap sa Lucena City Government Complex, Brgy. Kanlurang Mayao Lucena City.


by Nimfa L. Estrellado

Lungsod ng Lucena, Quezon -- Naging espesyal ang araw ng Lunes sa mga kapulisan kamakailan sa ginanap na regular flag raising ceremony dahil maliban sa parangal aniyang natanggap ng kanilang ahensya ng pulisya sa pangunguna ng hepe nito na si P/Supt. Vicente Cabatingan ay binigyan rin ng pagkilala ang kanilang mga namumukod tanging at hindi matatawarang pagsisilbi ng Lucena PNP sa kanilang tungkulin sa bayan, dedikasyon sa trabaho, maagap na pagtugon sa krimen at agad na pagbibigay ng solusyon.

Tinanggap ni Cabatingan ang pagkilalang iginawad sa kanilang tanggapan ng pamahalaang panlungsod ang parangal na ito sa harap ng iba’t-ibang tanggapan at mga kawani ng gobyerno, sa pamamagitan na rin ng pagsuporta ng buong konseho bilang pasasalamat sa kanyang matagumpay na pagpapatupad ng batas at sa mga kapulisan na pagpapalaganap ng katahimikan sa lungsod at nagtutulong-tulong kumilos upang agad na maresolba ang mga krimeng naganap dito.

Si PSUPT Cabatingan ay binigyan ng pagkilala at komendasyon sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Sangguniang Panlungsod - NO. RESOLUSYON. 17-440 Serye ng 2018 “RESOLUTION COMMENDING THE LUCENA CITY POLICE STATION HEADED BY PSUPT VICENTE S CABATINGAN, FOR THEIR OUTSTANDING ACCOMPLISHMENTS COVERING THE PERIOD FROM JANUARY 26- FEBRUARY 26, 2018 IN UPHOLDING THE RULE OF LAW AND PROMOTING PEACE AND ORDER IN LUCENA CITY“, ang pagkilala ay ginanap sa Lucena City Government Complex, Brgy. Kanlurang Mayao Lucena City.

Simula noong maupo si Cabatingan bilang hepe ng pulisya, tinatayang sa loob lamang ng isang buwan mula noong ika-26 ng Enero hanggang ika-26 ng Pebrero ng kasalukuyang taon marami na ang naaresto ng kapulisan ng lungsod.

“Walang sinasanto, walang kinatatakutan, matapang pagdating sa mga criminal lalo na yong mga most wanted ng PNP.” ito ang naging pahayag ni Cabatingan matapos ang naging panayam sa kanya sa isang interview.

Ilan lamang sa mga patunay nito ay ang 30 matagumpay at sunod-sunod na operasyon na kanilang isinasagawa laban sa pagsugpo saiba’t-ibang kriminalidad sa lungsod na nagresulta naman sa pagkakadakip ng 60 kriminal.

19 na anti-drug operation naman ang kanilang isinagawa na kung saan 38 katao ang kanilang nakasuhan sa paglabag sa RA 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

11 namang katao na kabilang sa most wanted list ang ngayo’y nasa kamay na ng pulisya kasama na nga rito si Fankie Abellano – Cativo.

Kung matatandaan noong Pebrero ng taong kasalukuyan nahuli ng tracking team ni P/Supt. Cabatingan ang isa sa mga most wanted ng Region I na si Fankie Abellano – Cativo, 50 y/o may asawa at residente ng Sitio Himbabalod, Brgy. F. Nandiego Mulanay Quezon. Si Cativo ay wanted sa kasong murder at frustrated murder na nakasampa sa Regional Trial Court First Judicial Region Branch 54 sa Alaminos City, Pangasinan sa sala ni Judge Ma. Ellen M. Aguilar na siyang nagbaba ng warrant of arrest noong January 20, 2004 para sa nasabing suspect na merong 100,000 reward sa ilalim ng DILG memorandum circular 2002 – 39.

Naging batayan rin umano ang naging matagumpay na pagsasagwa ng Community Mobilization Program sa iba’t-ibang barangay na naging dahilan upang maging kaisa ng pulisya ang komunidad sa pagpapalaganap ng kaayusan at katahimikan sa kani-kanilang lugar.Community Mobilization Program ay isang programa na nagbibigay daan sa mga barangay captains at mga cluster leaders ng bawat barangay sa lucena upang makiiisa at tumulong sa tangapan ng pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan sa kani-kanilang komunidad. Inamin ng hepe na isa rin ito umano sa dahilan kung bakit tumaaas agad ang bilang ng operational accomplishments ng kanilang ahensya.

Malugod na ipinahayag ni SUPT. VICENTE CABATINGANAng ang parangal aniyang natanggap ng kanilang ahensya ay inaalay ng pulisya hindi lamang para sa konseho kundi para na rin sa buong lalawigan ng Quezon.

Sa kabila ng parangal at mga papuring natanggap, nagpapasalamat si Cabatingan kay Mayor Don don Alcala at Vice Mayor Philip Castillo maging sa konseho sa pagsuporta sa kanilang ahensya. Inamin ng hepe na hindi magagawa ng kanilang tanggapan ang lahat ng ito kung wala ang tulong ni Mayor Dondon Alcala. Dagdag pa nito, mula sa logistics hanggang sa mga resources ay suportado ng punong lungsod ang kanilang tanggapan na nagiging malaking tulong aniya sa pagpapabilis ng pagresponde nila sa mga opersyaong kanilang isinasagawa.

Bukod dito, sinabi pa ng Cabatingan, tuloy-tuloy lang ang kanilang kampanya sa pagsugpo sa iba’t-ibang krimen lalong-lalo na pagdating sa illegal na droga na aniya’y siyang pinakang mandato sa kanila. Gayunpaman, sinisigurado niya umano sa mga Lucenahin na mas pagbubutihin pa ng kanilang tanggapan ang pagtupad sa kanilang tungkulin upang maiparanas ang tunay na katahimikan at kapayapaan sa lungsod ng Lucena.

Ang pagbibigay ng pagkilala sa pulisya ay nangangahulugan lamang na may tiwala ang pamunuan sa mga kapulisan na tiyak na hindi lamang magpapalakas ng moralidad ng mga kawani nito kundi magdudulot rin ng pagkakaroon ng magandang imahe ng ahensya sa publiko na magreresulta naman ng mas matibay na samahan sa pagitan publiko at ng tanggapan tungo sa mas pinalakas na pwersa sa pagsugpo ng kriminalidad sa lipunan.

Kaugnay niyo tinututukan ngayon ng kapulisan ang anti-criminality campaign kung saan nagsasagawa sila ng inspeksyon sa sa mga business o financial establishments upang masigurong listas ito sa mga kawatan.

Ang programang ito ng PNP ay ginagawa sa iba’t-ibang bayan at lungsod dito sa lalawigan Quezon. Samantala, matatandaan naman na isang business establishment sa bahagi ng Brgy. Ibabang Dupay lungsod ng Lucena ang napag-alamang binubutas ng termite gang at tinangkang pasukin.

Patuloy naman ang mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad gayundin ang pagpapaalala sa mga mamamayan sa kanilang nasasakupan na maging alerto upang makaiwas sa insidente ng pagnanakaw.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.