Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Lupong tagapamayapa ng Brgy. Market View, magiging delegado ng lungsod

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Muling magiging delegado ng lungsod ng Lucena ang Barangay Marketview sa Regional level ng Lupong Tagapamayapa...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Muling magiging delegado ng lungsod ng Lucena ang Barangay Marketview sa Regional level ng Lupong Tagapamayapa Incentives Award sa ilalim ng kategorya ng Highly Urbanized City ngayong taon.

Dahilan sa ang Barangay Marketview ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa isinagawang final deliberation ng Awards Committee na binuo ng City government kamakailan, laban sa apat pang barangay na nakapag comply sa kaukulang requirements na siyang sinet ng tanggapan, kabilang na nga dito ang barangay 6, 7, Salinas at Silangang Mayao. Matapos ang isinagawang final deliberation ay ipinasa na ang naging resulta sa DILG Regional Office para naman sa LTIA regional level.

Kasunod nito ay ang pag-aasses naman ng Regional Awards Committee sa Barangay Marketview kung makakapasok ito sa rating requirements na itinakda ng naturang komitiba.

Ang Barangay Marketview sa pamumuno ni Kapitan Edwin Napule na ang kinatawan ng Region 4-A sa naturang pagpaparangal bilang ito ang nag-iisang HUC sa buong rehiyon.

Matatandaang noong nakaraang taon, ang Barangay Marketview din ang naging representative ng nasabing rehiyon sa Incentives Award na ito. Ang mananalong lupon sa LTIA Regional level ay ang maglalaban-laban para sa national level ng naturang pagpaparangal.

Ang Lupong Tagapamayapa Incentives Award ay isang programa ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal na kung saan ay tumutukoy sa kakayahan ng mga lupong tagapamayapa.

Dito binibigyang parangal ang mga pangkat tagapagkasundo ng bawat barangay na makakapagsumite ng kakukulang requirements at makakapasa sa kaukulang standards na siyang isi-net ng ahensya.(PIO Lucena M.A Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.