Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mahigit sa 1,600 na mga mag-aaral sa lungsod, nagtapos sa programang DARE ng Lucena PNP

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Aabot sa tinatayang mahigit na 1,6700 mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan sa lungsod ang nagtapos...



LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Aabot sa tinatayang mahigit na 1,6700 mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan sa lungsod ang nagtapos sa isang programa hinggil sa pag-iwas sa iligal na droga.

Ang programang nabanggit ay ang Drug Abuse Resistance Education o DARE na isang proyekto ng Lucena City Police sa pangunguna ng kanilang Acting Police Chief na si psupt. Vicente Cabatingan at nang City Anti Drug Abuse Council o CADAC sa pamumuno ni Francia Malabanan.

Ginanap ang nasabing aktibidad sa Punzalan Gymnasuim na kung saan ay halos mapuno ang lugar dahilan sa dami ng mga batang dumalo dito.

Nagmula ang nasabing mga mag-aaral sa Gulang-Gulang Elementary School, Elvira Razon Aranilla Elementary School, East 8 Elementary School, Kanlurang Mayao Elementary School at Silangang Mayao Elementary School.

Dumalo rin bilang panauhing pandangal si Mayor Roderick “Dondon” Alcala, Quezon Police Provincial Director pssupt. Rhoderick Armamento, Executive Assistant IV Joe Colar at City Schools Division Superintendent Dr. Aniano Ogayon.

Naging guest speaker naman sa naturang aktibidad si PRO 4A CALABARZON Regional Director pcsupt. Ma. O Aplasca na nirepresenta ni Deputy Regional Director for Adminstration pcsupt. Leonardo Cesneros.

Sa naging mensahe ni Mayor Dondon Alcal, ipinahayag nit ang kaniyang taos pusong pasasalamat at pagbati sa lahat ng mga umuo ng naturang proyektong ito.

Kaniya ring hinikayat ang mga mag-aaral na dumalo dito at maging ang kanilang mga magulang na tulungan ang pamahalaang panlungsod at lalo’t higit ang kapulisan sa kampanya laban sa iligal na droga.

Gayundin inihayag rin nito ang kaniyang buong pagsuporta sa lahat ng programa at proyekto ng CADAC at Lucena PNP laban sa ipinagbabawal na droga at sakali aniyang may pangangailangan ang mga ito ay sinabi nito na huwag mag-atubiling magsabi sa kaniya at nakahanda naman siyang tulungan ang mga ito.

Samantala, nagbigay tagubilin naman si pcsupt. Cesneros sa lahat ng mga mag-aaral dito na patuloy na maging ehemplo at ibahagi sa iba pang mga mag-aaral at maging sa ibang mga kabataan sa kanilang barangay ang kanilang natutunan sa parogramang nabanggit hinggil sa pag-iwas at angmasamang epekto ng ipinagbabawal na droga.

Nanawagan rin ang naturang opisyal sa lahat ng mga nagsipagtapos sa programang DARE na tulungan ang mga awtoridad lalo’t higit ang kapulisan na kung sakali na may kilala o alam sila ay sabihin sa kanila ang mga malalaman nilang gumagamit at nagbebenta ng ipinagbabawal na gamut sa kanilang lugar.

Sa naturang programang nabanggit ay naglalayon na ipaalam salahat ng mga estudyante sa buong lungsod ang masamang idinudulot ng iligal na droga sa isang tao gayundin ang pag-iwas dito.

Tumagal ang pagtuturo sa mga kabataang ito, na mismong ang mga kapulisan ang nagturo dito, ng halos 4 hanggang sa 5 buwan na isinabay sa kanilang mga aralin bilang bahagi na rin ng kanilang pag-aaral.

Inaasahan ng mga bumuo ng proyektong ito na sa pamamagitan ng kanilang mga natutunan ay gagamitin ng ito mga estudyanteng nagsipagtapos upang umiwas sa paggamit ng iligal na droga at maging katuwang nila ito upang ipakalat sa ibang mag-aaral ang masamang epekto nito sa isang tao. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.