Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mahigit sa 270 mga mag-aaral ng TESDA nagtapos sa Special Training for Employment Program

Aabot sa tinatayang mahigit na 270 mga mag-aaral ng Technical Educational and Skills Development Authority o TESDA ang nagsipagtapos sa pro...

Aabot sa tinatayang mahigit na 270 mga mag-aaral ng Technical Educational and Skills Development Authority o TESDA ang nagsipagtapos sa programang Special Training for Employment Programa o STEP kamakailan.

Ginanap ang naturang aktibidad na ito sa Ellirey’s Piluka Restaurant na kung saan ay dinaluhan ito ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala bilang panauhing pandangal.

Kasama rin ng alkalde sa okasyong ito sina Tayabas City Mayor Aida Reynoso, Marical Jalocon, ang school administrator ng El Royale Hotelier TC Inc., Randi Pinza ng Technological College of Quezon at ang representative ni Sen. Sonny Angara, City Planning and Develoment Office Head Engr. Nelson Singson, ang Lucena Manpower Skills and Training Center Coordinator na si Criselda David at ilan pang mga personalidad.

Nagmula ang mga naturang nagsipagtapos sa lungsod ng Lucena, lungsod ng tayabas at maging sa bayan ng Lucban.

Sa naging pananalita ng representative ni Sen. Angara na si Randi Pinza, ibinahagi nito ang ilang mga batas na naisulong ng senador sa Senado.

Dagdag pa nito, batay sa ipinadalang sulat ng senador, simula nonng 2015 ay tiniyak niya na mayroong sapat na pondo ang prgramang STEP na nakatulong sa maraming mga iskolar.

Nagbigay rin ng tagubilin si Sen. Angara na nawa aniya ay makatulong ang ipinamahagi niyang mga starter kit na umangat ang kanilang pamumuhay.

Samantala, sa naging mensahe naman ni Mayor Dondon Alcala, kaniyang pinasalamatan ang lahat ng mga bumubuo ng programang STEP lalo’t higit kay Senator Sonny Angara sa pagkakaloob ng mga kagamitan para sa mga benipisyaryong Lucenahin.

Dagdag pa ni Mayor Alcala, isang magandang balita rin ang kaniyang inihatid sa lahat ng mga Lucenahin na kung saan ay pinagsusumite na siya ng represenatative ni Sen. Angara ng mga programa at proyekto ng lungsod para alamin kung no ang maaaring itulong ng senator sa lungsod ng Bagong Lucena.

Ang mahigit sa 270 na mga mag-aaral ng STEP ay nagtapos sa kursong bread making at hot and cold meals.

Tumanggap ang lahat ng mga nagsipagtapos ng mga libreng kagamitan tulad na lamang ng electric oven kasama na ang ilang mga measuring materials nito bukod pa rin dito ang kanilang allowances na siyang magagamit nila bilang pag-uumpisa ng kanilang kinabuhayan.

Ang programang STEP ay naisakatuparan dahil na rin sa inisyatiba ni Senator Sonny Angara dahilan sa paghahangad nito na mabigyan ng pagkakataon ang ilan nating mga kababayan na makapag-aral at magamit ang kanilang mga pinag-aralan sa pamamagitan ng pagkaroon ng pagkakakitaan. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.