Aabot sa tinatayang mahigit na 400 mga drug surenderees mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod ang nagsipagtapos sa porgamang Simula ng Pa...
Aabot sa tinatayang mahigit na 400 mga drug surenderees mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod ang nagsipagtapos sa porgamang Simula ng Pag-asa o SIPAG.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa 4th floor ng Lucena City Governtment Complex na kung saan ay dinaluhan ito ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.
Dumalo rin sa nasabing okasyon sina Acting Lucena City Police Chief PSupt. Vicente Cabatingan, City Anti-Drug Abuse Council Head Francia Malabanan, Chief PIO ng Quezon Police Provincial Office na si PCInsp. Elena Eleazar, City DILG Director Engr. Danilo Nobleza, at Pastor Romy Tena.
Maging ang mga kapitan ng iba’t-ibang barangay sa Lucena ay nakiisa rin sa nasabing programa bilang pagpapakita nila ng suporta sa lahat ng mga drug surenderees mula sa kanilang lugar.
Sa naging takbo ng programa, sa pananalita ni PSupt. Vicente Cabatingan, kaniyang binate ang lahat ng mga nagsipagtapos sa programang nabanggit at nawa aniya ay hindi na bumalik pa ang mga ito sa kanilang dati ay masamang gawain.
Pinasalamatan rin ni Acting Police Chief si Mayor Alcala dahilan sa awalang sawang pagsuoprta nito sa kanilang ahensya lalo’t higit sa pagsugpo ng iligal na droga sa lungsod.
Dagdag pa ni Col. Cabatingan, hindi nila makakayanan ang pagsasagawa ng mga ganitong uri ng programa kung hindi dahil na rin sa tulong ng pamahalaang panlungsod.
Samantala, sa naging mensahe naman ni Mayor Dondon Alcala, sinabi nito na patuloy at masigasig na nagtutulungan ang pamahalaang panlungsod at ang lahat ng kapulisan sa lungsod upang muling bigyan ng pagkakataon at tuluyang makapagbago ang lahat ng mga maituturing na napasama sa maling landas tulad na lamang ng mga gumagamit ng iligal na gamut.
Kaniya ring pinasalamatan ang lahat ng mga miyembro ng Lucena City Police, Quezon Police Provincial Office, mga tauhan ng CADAC at lalo’t higit ang mga pastor na nagtulong-tulong upang maitaguyod ang progrmang nabanggit.
Nagbigay tagubilin rin si Mayor Alcala sa lahat ng mga nagsipagtapos dito na ituloy-tuloy ng mga ito ang kanilang nasimulang pagbabago dahil aniya ang Gawain nilang ito ay hindi lamang para sa kanilan kundi lalo’t higit ay para sa kanilang mga pamilya upang muling mabuo ang mga ito at magkapagsimula ng maayos.
Ang mga nagsipatapos sa progamang SIPAG ay ang ikatlong batch na kung saan ay patuloy pa ring isasagawa ang ganitong uri ng proyekto upang matulungan ang lahat ng mga drug addicts na makapagbagong buhay.
Batay sa tala ng Lucena City PNP, sa simula ng inilunsad ang programang SIPAG aabot na sa tinayang mahigit na 800 mga drug surenderees ang nagsipagtapos sa proyektong ito na siyang nagpapatunay na marami na ang nagnanais na magbago ang buhay at talikuran ang paggamit ng iligal na droga. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments