Lungsod ng Lucena, Quezon -- Aabot sa tinatayang mahigit na 50 mga Lucenahin ang bagong napadagdag sa listahan ng mga natulungan ng program...
Lungsod ng Lucena, Quezon -- Aabot sa tinatayang mahigit na 50 mga Lucenahin ang bagong napadagdag sa listahan ng mga natulungan ng programa ng City Health Office na Bagong Lucena Health Program.
Ang mga nasabing natulungan ay nagmula pa sa iba’t-ibang barangay sa lungsod na kung saan ay naaprubahan ang kahilingan ng mga ito na mapaoperahan.
Ang ilan sa mga pasyenteng ito ay kinakailangan ng major operations na siya namang sinagot na ng pamahalaang panlungsod dahil na rin sa kabutihang loob ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.
Sa maiksing programa na isinagawa sa loob ng conference room ng Mayor’s Office kamakailan, pinasalamatan ni Mayor Dondon Alcala ang lahat ng staff ng City Health Office partikular na ang mga naka-assign sa BLHP, sa pamumuno ni City health Officer na si Dra. Jocelyn Chua, sa patuloy na pagtulong nito sa mga Lucenahin.
Pinasalamatan rin ni Mayor Alcala ang lahat ng mga Lucenahin na mapagkakalooban ng naturang ooperasyon dahilan sa pagtangkilik ng mga ito sa nabanggit na programa.
Ang mga napabilang sa nasabing programa ay ang mga Lucenahin na nangangailangan ng major operations at ang ilang sa mga ito ay naiconfine na sa iba’t-ibang ospital sa lungsod.
Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga nabiyayaan ng programa ng Bagong Lucena Health Program sa pamahalaang panlungsod lalo’t higit kay Mayor Dondon Alcala sa pagbibigay ng pagkakataon na napasama sila dito at sa tulong medikal na ipinagkaloob sa kanila.
Ang Bagong Lucena Health Program ng City Health Office ay isang programa ni Mayor Dondon Alcala na naglalayong tulungan ang mga Lucenahing may kakapusan sa pinansyal na aspeto at nagnanais na ipagamot ang kanilang nararamdaman dahil isa sa mga hinahangad ng alkalde para sa mga mamamayan ng lungsod ay ang maging ligtas ang mga ito sa anumang sakit at magkaroon ng maayos na pangangatawan. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments