Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala dumalo sa kapistahan ng Brgy. Ransohan

Sa kagustuhang makibahagi sa pagdiriwang ng kapisyahan sa Barangay Ransohan, hindi naging hadlang ang layo ng lugar upang mapuntahan ito ni...

Sa kagustuhang makibahagi sa pagdiriwang ng kapisyahan sa Barangay Ransohan, hindi naging hadlang ang layo ng lugar upang mapuntahan ito ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Maagap pa lamang ay nakahanda na ang punong lungsod, kasama si Councilor Anacleto Alcala III, sa pagpunta sa nasabing barangay na kung saan ay game na game rin itong sumakay sa bangka patungo dito.

Sa pagbaba pa lamang sa bangka ay mainit na itong binati ng ilang mga residente sa lugar at maging sa pagtungo nito sa tahanan nina Kapitan Ricardo Hernandez.

Matapos nito ay nagtungo na sa simbahan ng chapel sina Mayor Alcala, Konsehal Third Alcala, at Kapitan Hernandez upang dumalo sa isinagawang misa na pinangunahan ni Father Carmelo Villocillo.

At matapos ang ginawang misa ng pasasalamat, isinunod naman dito ang Binyagang Bayan na kung saan ay mahigit sa 20 mga kabataan ang napagkalooban ng libreng binyag sa lugar na kung saan ay tumayong ninong ang mga nabanggit na opisyales.

At kagaya pa rin ng mga isinasagawang Binyagang Bayan, matapos ang ginawang pagbabasbas sa mga kabataan ay nagpakuha ang mga ito ng larawan kina Mayor Dondon Alcala, Konsehal Third Alcala at Kapitan Hernandez kasam ang ilang mga kagawad ng barangay.

Labis naman ang pasasalamat ng mga magulang ng mga bininyagang bata sa programang ito ng pamahalaang panlungsod lalo’t higit kay Mayor Dondon Alcala dahilan sa nagkaroon sila ng pagkakataon na mapabinyagan ang kanilang anak.

Ang Binyagang Bayan ay isa lamang sa mga programa ni Mayor Dondon Alcala na libreng ipinagkakaloob sa lahat ng mga Lucenahing nagnanais na mapagkalooban ang kanilang anak ng isa sa mahahalgang sakramento ng pagiging isang Kristiyano dahil isa rin ito sa paraan ng alkalde na maging gabay ito ng mga kabataan sa kanilang paglaki at magkaroon ng takot sa Diyos. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.