Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala humiling sa tanggapan ng BFP-Lucena

Sa pagnanais na maging maayos ang lahat ng transaksyon sa mga business establishment sa Lucena, isang kahilingan ang sinamibit ni Mayor Rod...

Sa pagnanais na maging maayos ang lahat ng transaksyon sa mga business establishment sa Lucena, isang kahilingan ang sinamibit ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala kahapon ng umaga sa Bureau of Fire Protection-Lucena.

Inihayag ni Mayor Dondon Alcala ang panawagan na ito sa ginanap na regular flag raising ceremony na kung saan ang naging host ditto ay ang nasabing tanggapan.

Ayon kay Mayor Alcala, may mga nakarating na reklamo sa kaniyang tanggapan hinggil sa ilang mga negosyo sa lungsod, particular na ang usapin sa fire extinguishers, kung kaya ninanais niya itong paimbestigahan sa hepe ng BFP-Lucena na si Fire Chief Inspector Fernan Gil Cagampan.

Dagdag pa ring ng punong lungsod, sakali aniyang may Makita ang mga ito na paglabag ay agad na sabihin it okay City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr., at siya na ang gagawa ng kaukulang aksyon sa mga ito.

Ayon pa rink ay Mayor Dondon Alcala, sakaling may makitang paglabag o hindi aniya sumunod sa mga requirements ang mga business establishments na inispeksyon ng mga tauhan ng BFP-Lucena ay agad na sabihin ito sa kaniya at maari aniyang kanselahin ang permit ng mga ito ng pamahalaang panlungsod.

Sa kabila ng panawagang to ng alaklde ay kaniya namang pinasalamatan ang BFP-Lucena sa pangunguna ni BFP Chief Cagampan sa matagumpay na paglulunsad nito ng fire prevention month at tiniyak rin nito ang kaniyang buong pagsuporta salahat ng kanilang mga programa at proyekto. (PIO Lucena/ R. Lim)

Ang kahilingang ito ni Mayor Dondon Alcala aydahilan na rin sa pagnanais nito na ang lahat ng mga magtatayong negosyo sa lungsod ay maging ligtas at sumunod sa itinatakdang mga pangangailangan dahilan sa ito ang maituturing na mahalagang sector sa patuloy na pag-unlad ng Bagong Lucena.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.