“Gamitin ninyo ang ibinigay na scholarship sa maayos at tamang paraan na ikakabubuti ng inyong pag-aaral”. Ito ang naging tagubilin ni Mayo...
“Gamitin ninyo ang ibinigay na scholarship sa maayos at tamang paraan na ikakabubuti ng inyong pag-aaral”.
Ito ang naging tagubilin ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa mga mag-aaral ng Dalubhasaan ng lungsod ng Lucena kasabay ng pagkakaloob sa mga ito ng scholarsips mula sa CHED kamakailan.
Ayon pa kay Mayor Dondon Alcala, hinihiling din niya sa mga mag aaral na umiwas ang mga ito sa masasamang gawain at bisyo gayundin na maging dedicated sila sa kanilang pag-aaral.
Ang pag-aaral ng mabuti at puspusang dedikasyon aniya ang isa sa magiging susi sa tagumpay ng bawat isa kung kaya’t hindi dapat sayangin ang bawat pagkakataon na makapag-aral lalo’t higit sa lebel ng kolehiyo.
Pakiusap naman ni Mayor Dondon Alcala sa mga magulang ng mga scholars na gabayan ng maayos ang kanilang mga anak gayundin na suportahan ang bawat hakbangin ng mga ito sa pagkamit ng kani-kanilang pangarap sa buhay.
Dagdag pa ng alkalde, ang bawat tagumpay ng mga mag-aaral ay maituturing na tagumpay ng kanilang mga magulang at higit sa lahat ay tagumpay din ni Mayor Dondon Alcala.
Bilang kinatawan naman ni Congressman Vicente “Kulit” Alcala, nagbigay ng mensahe ang kanyang anak na si Vinette Alcala para sa mga scholars.
Ayon kay Vinette Alcala dapay na pagbutihin ng mga ito ang kanilang pag-aaral at maging isang mabuting ehemplo sa mga kabataan para mas maipakita pa sa kanila ang tunay na kahalagahan ng edukasyon.
Tinatayang mahigit sa pitong daan na ang bilang ng mga mag-aaral ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena ang nakatanggap ng scholarship grant simula noong 2013.
Ang pag-aaral sa DLL ay ipinagkakaloob ng libre ng pamahalaang panlungsod na kung saan ay walang babayarang tuition at iba pang bayarin dito maging ang kanilang mga gagamiting toga, souvenir pictures sa kanilang pagtatapos ay ibiniibgay ng libre dahil isa sa mga hinahangad ni mayor dondon alcala ay ang mabigyan ng de kalidad na edukasyon ang mga kabataang lucenahin.
Ang nasabing ipinagkaloob na mga scholarships ay magagamit naman ng mga benipisyaryo bilang tulong pinansyal para sa kanilang pangangailangan sa pag-aaral tulad ng pambaon o allowances, assignments, projects at iba pang kagamitan sa kanilang pag-aaral.
Naiskatuparan rin ang programang pamamahagi ng scholarship sa ilang piling estuyante ng nasabing paaralan dahilan na rin sa inisyatibo ni Congressman Kulit Alcala sa pamamagitan ng CHED at nang pamahalaang panlungsod. (PIO Lucena/ M.A. Minor)

No comments