Dahilan sa mga magagandang accomplishments ng kanilang tanggapan, pinasalamatan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang ahensya ng Urban Poor...
Dahilan sa mga magagandang accomplishments ng kanilang tanggapan, pinasalamatan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang ahensya ng Urban Poor Affairs Division.
Inihayag ng alkalde ang pasasalamat na ito sa ginanap na regular flag raising ceremony kahapon ng umaga sa Lucena City Government Complex.
Ayon pa kay Mayor Alcala, kaniya ring binigyan ng deadline of activities sina UPAD Head Lerma Fajarda at ang katulong nitong si Father Fernando Cabangon para sa buwan ng Marso.
Humiling rin ang punong lungsod kay City Engineer Rhodencio Tolentino na ang surveying office ng City Engineering Office ay patulungin sa UPAD para sa mga gagawing pagsusukat ng lupa sa mga urban poor sa lungsod.
Dapat rin aniyang mapirmahan na ang memorandum of understanding ng pamahalaang panlungsod at sa gagawa ng mga panibagong bahay sa donvictor Ville upang mapasimulan na ang nasabing proyekto.
Nakiusap rin ang alkalde sa lahat ng miyembro ng Sangguniang Panlungsod, sa pangunguna ni Vice Mayor Philip Castillo, na ang lahat ng mga gagawing plano para sa itatayong high rise tenement ay wala nang magiging off site development.
Ayon pa rin kay Mayor Dondon Alcala, ang high rise tenement na binabalak ng pamahalaang panlungsod ay ipagkakaloob sa mga pamilyang naninirahan sa tabi ng mga ilog, ang mga maaapektuhan ng lupa ng PNR at ang mga matatalo sa kaso.
Ang ginawang pasasalamat na ito ni Mayor Dondon Alcala kay UPAD Head Lerma Fajarda at Father Fernando Cabangon ay dahilan na rin sa pagtulong ng mga ito sa proyektong murang pabahay na donvictor Ville at sa lahat ng urban poor sa lungsod ng Bagong Lucena. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments