Nasa larawan sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Pampanga Gov. Lilia Pineda, New appointed National Deputy Secretary General fo...
by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ la liga pilipinas
Clark Base Pampanga -- Naging pangunahing pandangal at tagapagsalita si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa ginanap na Barangay Councilors League of the Philippines National Convention na ginanap sa ROYCE Hotel and Casino Clark Base Pampanga. Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay suportado ang barangay election dahil dapat umanong may election sapagkat may demokrasya. Ito ang mahalagang mensahe ni Mayor Duterte-Carpio sa mga delegado ng BCLP National Convention na nagmula sa ibat-ibang bahagi ng bansa. “Election is a facet of life” kaya day one pa lamang ay dapat ng paghandaan ang election.
Hindi rin daw umano magastos ang election sa barangay kung nai-remind ang mga botante at hindi rin daw matatalo ang isang barangay opisyal kung araw-araw kang tatatok sa kanila ayon pa kay Mayor Duterte. Dapat din daw may collective opinion ang BCLP kung ayaw nila ng election. subalit iiwan diumano ng Malacañang sa Senado at Kongreso ang desisyon. Aniya, may agam-agam lang umano itong si Pangulong Duterte na maaring dumaloy ang pondo ng mga sindikato ng illegal na droga at papasok ang mga sinasabing mga opisyal ng barangay na sangkot at protector ng illegal na droga.
Gusto din umano ng pangulo na magkaroon ng economic independence ang mga LGU at barangay upang hindi palaging umaasa ang mga ito sa Internal Revenue Allotment o IRA kaya masidhi ang magnanais nito na mabago ang sistema ng gobyerno sa ilalim ng Federalismo. Nanawagan din itong si Mayor Sara Duterte-Carpio sa kapwa niya kababaihan na magplano sa simula pa lamang kung ilan ang anak nilang kayang pagtapusin sa kolehiyo sapagkat babalik lamang ang cycle ng kahirapan sa pamilya kapag hindi nakapag-aral ang mga ito.
Aniya kailangan e-remind ang mga tao sa barangay para sa tamang pagpapamilya sa ilalim ng programang responsible parenthood.
Samantala, nagbigay ng babala si Mayor Sara Dutere na itigil ang paggamit ng droga dahil ang hirap ipaalis sa listahan ng pulis ang mga pangalan ng mga sangkot sa droga sa ilalim ng Oplan Tokhang. Nagpaalaala pa itong si Mayor Duterte na mag-ingat sa pagtulong sa mga kakilala at kaibigan dahil kapag tinulungan mo sa kahit hindi ka nagbenta, iisipin ng pulis na protector ka na rin. Ang mabuting gawin ayon sa Mayor ay pumunta sa abogado kung gusting tulungan ang kaibigang nagkamali dahil ito umano ang “the best that you can do” para sa kanila.
Sa huli sinabi ni Mayor Sara Duterte na wala siyang planong tumakbong Senador sa 2019 election dahil hindi raw niya naisip ang mag bagay na ito at mas makakatulong siya umano kay Pangulong Duterte kung sa Davao lang siya at makapagbahagi ang mga taga Davao sa pagpapatatag at pag-unlad ng bansa katuwang ang mga miyembro ng Barangay Councilors League of the Philippines.
Sa nasabing BCLP Convention ay dumating din si Senator Sonny Angara, at sinabing suportado niya ang Barangay Election. Nagpadala naman ng kanyang representative si Sen. Manny Pacquiao.
No comments