LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Mahigit sa 50 mamamahayag mula sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ang dumalo sa kap...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Mahigit sa 50 mamamahayag mula sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ang dumalo sa kapihan at media tour sa Angono Rizal noong Pebrero 9 na inorganisa ng Philippine Information Agency (PIA) Region 4A sa pakikiisa ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ng pamahalaang lokal ng Angono kaugnay sa pagdiriwang ng arts month.
Sa kapihan, sinabi ni PIA-4A Regional Director Ma. Cristina Arzadon na ang kapihan at media tour ay simula ng information campaign ng Philippine Information Agency upang maipabatid sa mga tao sa ang mga programang isinasagawa ng National Commission for Culture and the Arts.
“Simula pa lang ito ng ating kampanya upang iparating sa ating mga kababayan ang mga programang ipatutupad ng NCCA sa iba’t ibang lugar sa CALABARZON at mga karatig na lalaawigan,” sabi pa ni Dir. Arzadon.
Samantala, inihayag naman ni Rene Napenas, promotion and publicity head ng NCCA ang iba’t ibang programa ng NCCA at mga layunin ng kahalagahan ng pagpapalaganap ng sining at kultura.
Sinabi ni Napenas na may programa sila sa telebisyon na “Lakbayin Ang Magandang Pilipinas” at mga kapihan o talakayan sa pamamagitan ng Philippine Information Agency upang iparating sa mga tao ang mga programa ng NCCA.
“Ang NCCA ay “grants giving agency” kung kaya’t maaaring magsumite ng mga suhestiyong proyekto ang mga lokal na pamahalaaan o samahan upang mabigyan ng pondo sakali’t maaprubahan ang project proposal,” ani Napenas.
Samantala, sinabi rin ni Napenas sa kapihan na pabor sila na maging Department of Culture ang NCCA kung saan ay handa namang sumuporta ang ilang mga paaralan sa Angono at iba pang mga samahan na nagsusulong ng programa sa sining at kultura.
Matapos ang kapihan, ay idinaos ang “media tour” sa Angono, Rizal na kilala bilang art capital of the Philippines.
Kabilang sa mga pinuntahan at binisita ng mga mamamahayag ay ang Blanco Family Museum sa Angono, Rizal kung saan ay makikita dito ang iba’t-ibang mga kaakit-akit na larawan o paintings na ginawa ng pamilya Blanco.
Nagtungo rin ang mga mamahahayag sa Angkla Art Gallery sa Angono, Rizal at binisita ang iba’t ibang mga magagandang paintings ng mga kilalang artists ng Angono gayundin ang mga artists mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. (GG/Ruel Orinday, PIA-Quezon)

No comments