Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

Mga nagsipagwagi sa isinagawang paligsahan ng Bureau of Fire Protection-Lucena, inihayag na

Kasabay ng kanilang ginawang pag-uulat ng accomplishment report sa nakaraang flag raising ceremony, inihayag rin ng pamunuaan ng Bureau of ...

Kasabay ng kanilang ginawang pag-uulat ng accomplishment report sa nakaraang flag raising ceremony, inihayag rin ng pamunuaan ng Bureau of Fire Protection-Lucena ang mga nagsipagwagi sa kanilang isinagawang paligsahan.

Ang paligsahang nabanggit ay ang mga aktibidad kasabay ng paglulunsad ng Fire Prevention Month kamakailan.

Nagkaroon ng mga kategorya ang nasabing aktibidad na ito tulad ng essay writing, drawing contest, poster making, at photo contest.

Sa isinagawang simpleng awarding, isa-isang tinawag ng tauhan ng BFP-Lucena ang mga nanalo sa bawat kategorya na kung saan ay binigyan ang mga ito ng sertipiko.

Personal na ipinagkaloob ang mga ito nina BFP-Lucena Fire Marshall Chief Insp. Fernan Gil Cagampan at Mayor Roderick “Dondon” Alcala kasama ang ilang mga konsehal at mga opisyal ng lungsod.

Sa kategorya ng essay writing, nanalo sa high scool level si Angela Nicole Rosales na mula sa Maryhill College na kung san ay ang kaniyang ginawa ay may pamagat na “Achieving Goals”.

Nagwagi naman sa kategorya ng Drawing sa Elementary Level si Jhames Leandrew Tan na nagmula sa Philippine Tong Ho Institute, pumangalawa naman si Kaylie Vecinal ng West 1 Elementary School, at pumangatlo si Ma. Julia Ysabel De Mesa na nagmula rin sa West 1 Elementary School.

Itinanghal naman na kampeon sa kategorya ng Poster Making si Joshua Geda, 2nd placer si Mart John Oabel at 3rd placer si Jean Wesley Zaide na nagmula lahat sa Interglobal College Foundation Incorporated.

Habang nanalo naman si Dianne Cirilo ng Manuel S. Enverga University Foundation Inc. sa larangan ng Best Photo Contest.

Ang mga ginawa at iprinisenta ng mga itinanghal na kampeon sa iba’t-ibang larangan ay ipinadla na sa regional office ng BFP na kung saan ay nakasali naman ito para sa Regional Competition ng katulad rin paligsahan.

Lubos naming pinasalamtan ni BFP-Lucena Chief Cagampan ang lahat ng mga nagsipagwagi dito lalo’t higit ang lahatng nakibahagi sa kanilang paligsahang ito.

Umaasa rin ang pamunuaan ng nasabing ahensya na sa pamamagitan ng mga ganitong uri ng aktibidad ay mas mamumulat ang mga kabataan sa halaga ng pag-iwas sa sunog. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.