Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

MGA PANIBAGONG BUSINESS ESTABLISHMENTS, BUBUKSAN SA LUNGSOD NG LUCENA

Dahilan sa mayroon na ang pamahalaang panlungsod ng Business One stop shop o BOSS ay naging mas madali na ang application ng business permi...

Dahilan sa mayroon na ang pamahalaang panlungsod ng Business One stop shop o BOSS ay naging mas madali na ang application ng business permit para sa mga negosyanteng nagnanais magtayo ng kanilang negosyo sa lungsod.

Sa naging pahayag ng hepe ng Business Permit and Licensing Office na si Julie Fernandez, matapos aniyang maaprubahan ni Mayor Dondon Alcala ang mga business application ng mga may-ari nito at makapagbayad ng kaukulang fees and charges sa treasurer’s office ay tutuloy na sila sa tanggapan ng Fire Protection at BPLO para sa pag-iisue ng Mayor’s permit kasabay na din ang pagkuha ng sanitary permit mula sa City Health Office.

Sa kabuuan mayroong tinatayang pitumpu’t walong bagong negosyo na kumuha ng kaukulang business permit ang itatayo sa lungsod, isang patunay sa patuloy na pag-unlad ng Lucena.

Pakiusap naman ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa mga may-ari ng mga business establishments na kung kukuha sila ng mga magiging empleyado ay maaari silang magsagawa ng local recruitment activity sa lungsod kaisa ang ahensya ng Public Employment Service.

Ang PESO ay may mga listahan na ng mga posibleng aplikante sa iba’t ibang larangan na maari nilang ikonsidera sa pagkuha ng mga empleyado.

Alinsunod na din ito sa local ordinance ng lungsod na kung saan ay ang dapat tanggapin o i-hire na magiging empleyado ng bawat negosyo ay mga residente ng lugsod ng Lucena.

Taos puso naman ang pasasalamat ni Mayor Dondon Alcala sa mga business owners para sa kanilang apgtitiwala aat pag-iinvest sa lungsod ng Lucena.

Inaasahan naman ang pakikiisa ng mga may ari ng mga negosyo sa ordinansang ito at sa pakikibahagi sa pagpapaigting ng pang pag-angat ng employment rate sa lungsod at sa mas patuloy pang pag-unlad ng bagong Lucena. (PIO Lucena/ M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.