Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

MGA PROGRAMA PARA SA MGA DRUG SURRENDEREES, INILAHAD NI CADAC HEAD FRANCIA MALABANAN

“Sama-sama nating labanan ang ipinagbabawal na droga at makiisa sa bawat programa ng pamahalaang panlungsod para dito”. Ito ang naging paha...

“Sama-sama nating labanan ang ipinagbabawal na droga at makiisa sa bawat programa ng pamahalaang panlungsod para dito”.

Ito ang naging pahayag ng hepe ng City Anti-Drug Abuse Council o CADAC na si Francia malabanan sa isinagawang flag raising ceremony kamakailan.

Ayon kay Malabanan, ang pakikiisa sa pagsugpo sa mga illegal na droga ay magsisilbing panibagong pag-asa at makakapagbibigay ng pangalawang pagkakataon na makapagbago para sa mga taong sangkot dito.

Dagdag pa nito mula nang magsimula aniya ang Oplan Tokhang noong july 2016 hanggang September 2017 ay nakapagtala na ng tinatayang 142 operasyon na isinagawa ng kanilang tanggapan sa pamumuno na din ng Lucena PNP.

Tinatayang mahigit sa tatlong libo naman na ang boluntaryong sumuko at nakiisa sa programa matapos malaman na magsasagawa ng tokhang operations sa bawat barangay sa lungsod.

Ayon pa kay Malabanan, madaming programa ang inilulunsad ng kanilang tanggapan para sa mga drug surrenderees kabilang na nga ang community rehabilitation sa ilalim ng programang masa masid o mamamayang ayaw sa anumalya, mamamayang ayaw sa illegal na droga at ng sipag o simula ng pag asa, simula ng pagbabago.

Nagsagawa din ang CADAC ng yakap bayan program na kung saan ay tatlong araw na sumasailalim sa pagsasanay ang mga surrenderres katuwang ang himpilan ng PNP, BJMP AT LDRRMO.

Layunin ng pagsasanay na ito na magkaroon ng kaalaman at maging katuwang ang mga surrenderees ng kani-kanilang barangay kung sakali mang may dumating na sakuna sa lungsod.

Sa tulong din ng Lucena Manpower Skills Training Council ay tinatayang 82 surrenderees ang nakapagtapos na sa aspeto ng Livelihood and skills training.

Inaasahan naman ang patuloy na pagpapatupad at pagsasagawa ng mga programa para sa mga drug surrenderees at sa mga taong sangkot sa paggamit ng illegal na droga ng tanggapan ng CADAC sa tulong na din ng pamahalaang panlungsod lalo’t higit ni mayor dondon alcala. (PIO Lucena/ M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.