Ama ng lalawigan na si Gob. David C. Suarez. LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Personal na nagtungo ang ama ng lalawigan na si Gob. David...
Ama ng lalawigan na si Gob. David C. Suarez. |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Personal na nagtungo ang ama ng lalawigan na si Gob. David C. Suarez sa bayan ng Guinyangan, Calauag at Gumaca kamakailan upang pasinayaan ang ilang mga aktibidad na may kaugnayan sa mga proyekto ng pamahalaang panlalawigan.
Kaisa sina PSSupt. Rhoderick Armamento, Bokal Raquel Mendoza, Bokal Isaias Ubana II, Mayor Cesar Isaac III, Mayor Luisito Visorde, Mayor Erwin Caralian, ilang department heads at mga barangay captains, isinagawa ang blessing at inauguration ng Processing Center sa Guinyangan at Evacuation Center sa bayan ng Calauag. Pinangunahan rin ni Gob. Suarez ang groundbreaking ng Calauag-Guinyangan marker at Calauag Seawall. Matapos nito, bumisita rin ang gobernador sa kasalukuyang itinatayo na Convention Center sa bayan ng Gumaca.Kasabay ng mga aktibidad ay isinagawa rin sa bawat bayan ang pamamahagi ng Aid for Individuals in Crisis Situation (AICS), canopy at fiber glass boards.
Lubos ang pasasalamat ng mga municipal mayors at mga benepisyaryo sa ama ng lalawigan dahil sa patuloy na suporta na ibinibigay nito sa kani-kanilang bayan sa pamamagitan ng mga proyekto at programang ibinababa ng pamahalaang panlalawigan.
Bukod sa mga nabanggit na proyekto, ibinahagi rin ni Gob. Suarez sa kanyang mensahe ang isa sa pinakamalaking proyekto ng kanyang administrasyon. Ito ay ang isasagawang Quezon Coconut Reasearch and Extension Development Center sa bayan ng Catanauan.
Naniniwala si Gob. Suarez na sa pamamagitan ng proyektong tulad nito, mas mapapaunlad pa ng pamahalaang panlalawigan ang sustenableng kaunlaran ng produktong niyog sa bansa.
Ang nasabing proyekto ang magsisilbing kauna-unahang coconut research center sa rehiyon ng CALABARZON. Ayon sa gobernador, ito ang magiging daan upang patuloy na matulungan ang mga coconut farmers upang magkaroon ng dagdag na kita at produksyon ng niyog sa lalawigan.
“Umasa po kayo sa patuloy na serbisyo at proyekto na ibababa namin sa mga bayan ninyo. Sa mga natitira ko pong panahon bilang gobernador, mas ibubuhos pa po ng pamahalaang panlalawigan ang mga programa para sa ikakaunlad ng ating lalawigan.” pagtatapos ni Gob. Suarez.(Quezon-PIO)
No comments