Kabilang sa mga lumahok at naging partisipante ng Barangay Fire Olympics 2018 ay ang Barangay Cotta at Barangay 2, bilang pakikiisa na din ...
Kabilang sa mga lumahok at naging partisipante ng Barangay Fire Olympics 2018 ay ang Barangay Cotta at Barangay 2, bilang pakikiisa na din sa pagdiriwang ngayong Marso ng Fire Prevention Month.
Kaugnay nito, inilahad ng mga kapitan ng dalawang barangay ay patuloy na pagpapaigting nila sa mga tamang kahandaang taglayin ng bawat pamayanan kung sakali mang may dumating na sakuna o kalamidad sa lungsod tulad na lang ng sunog.
Sa naging panayam ng TV12 kay Kapitan Annalou Alcala ng Barangay Cotta, ipinahayag nito ang mga hakbangin at paghahanda na isinasagawa ng kanilang barangay hinggil sa mga ganitong pangyayari.
Ang kanilang barangay aniya ay may sapat na kaalaman tungkol sa mga tamang preparasyon at aksyon sa mga ganitong uri ng insidente.
Gayundin ang pagkakaroon ng kagamitan na laging nakahanda para sa mabilis at alerting pagresponde sa kanilang pamayanan.
Sinigurado din Nito ang patuloy na pagsali at pakikiisa ng kanilang barangay sa mga programa ng pamahalaan tulad na lang ng Fire Olympics para aniya mas mahasa pa ang abilidad at kaalaman ng kaniyang mga ka-barangay.
Gayundin ang kahandaan ng Barangay Dos sa pamumuno ni Kapitan Edwin Menor sa mga ganitong usapin.
Ayon kay Menor, ang pagsali at pagiging partisipante nila sa Barangay Fire Olympics ay isa sa nagiging preparasyon at paraan ng paghahanda nila kung sakali mang may dumating na sakuna o kalamidad sa lungsod.
Ang kaalamang naibabahagi sa kanila aniya ng nasabing Olympics ay kanilang magagamit anumang oras para na din sa sama-sama at nagkakaisang pagbibigay tulong at pagresponde sa bawat mamamayan ng kanilang barangay
Dagdag pa nito, malaki aniya ang naitutulong ng pagsasagawa ng mga programa ng pamahalaan tulad na lang ng Fire OLympics sa pamayanan.
Sa huli ay inaasahan naman ang pagtutulungan ng bawat isang mamamayang Lucenahin sa pagresponde at pagtugon sa bawat sakuna o kalamidad na posibleng dumating sa lungsod. (PIO Lucena- M.A. Minor)

No comments