by Nimfa L. Estrellado LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Hindi magbabago at mananatiling P27 per kilo ang presyo ng ibinibentang bigas ng Nation...
by Nimfa L. Estrellado
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Hindi magbabago at mananatiling P27 per kilo ang presyo ng ibinibentang bigas ng National Food Authority (NFA) para sa regular-milled rice (RMR) at P32 kada kilo naman ang well-milled rice (WMR). Ito ang napag-alaman mula sa NFA Quezon Provincial Office noong nakalipas na Huwebes.
Ayon sa NFA Quezon Prov’l Office, si Administrator Jason Aquino mismo ang nagpahayag na ang pagpapanatili ng nasabing halaga ng NFA rice ay upang mapatatag at ma-maintain ang food security at stabilization functions ng ahensya para sa mga mamamayan.
Hanggang sa kasalukuyan, sapat pa rin ang supply ng NFA rice sa lalawigan ng Cavite. Sa kahiwalay na panayam kay NFA Administrator Aquino, binigyang-diin nito, “Sa gitna ng nakakalitong isyu ukol sa supply at presyo ng bigas sa bansa sa kasalukuyan, nais nating ipaabot sa publiko, partikular sa may 10 milyong Pilipino na kumukonsumo ng NFA rice na ginagawa po nating lahat ang mga paraan upang mapanatili ang P27/kg at P32/kg presyo nito sa lahat ng pamilihan at outlets.”
Sinabi rin ni Aquino na walang plano ang ahensya na mabago ang halaga ng bentahan ng NFA rice sa bansa, at bago ito mangyari ay kailangang may ipalabas na desisyon ang NFA Council ukol dito.

No comments