Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Operational ng Slaughterhouse sa bahagi ng Auction Market nalalapit na

Sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo po ay mag-ooperate na ang Slaughterhouse sa lungsod ng lucena. Ito ang ilang sa ibinalita ni Mayor Roderick ...

Sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo po ay mag-ooperate na ang Slaughterhouse sa lungsod ng lucena.

Ito ang ilang sa ibinalita ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isinagawang flag raising ceremony ng City Government of Lucena kamakailan.

Ayon sa Punong Lungsod, nakausap nila ang ilang mga opisyales ng Department of Agriculture Office sa Metro Manila.

Kung saan kasama niya dito sina Melissa Letargo Head ng City Agriculturist Office, Senior Councilor Anacleto Third Alcala at ilan mga empleyado ng City Engineering Office.

Sinabi ni Mayor Dondon Alcala, sa kanilang pag-uusap ay tinanong ng mga tauhan ng Agriculture kung kailan matatapos ang slaughterhouse ng lungsod ng lucena.

Ayon sa Alkalde, nagkaroon ng time Frame na pipilitin aniya ng pamahalaan panlungsod na sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo ay operational na ang naturang slaughterhouse na kalapit ng Auction Market sa bahagi ng Barangay Kaunluran Mayao.

Dagdag pa ni Mayor Alcala, na kinausap na niya ang City Engineering Office na ang time line ay kinakailangan na matapos ang construction ng slaugtherhouse.

Matatandaan na kasama rin sa mga proyekto ng pamahalaan panlungsod ang pagsasaayos ng nasabing slaughterhouse na sinabi ni Mayor Dondon Alcala.

isa rin ang Slaughterhouse ng lungsod ng lucena sa Lalawigan ng Quezon na may Double AA na Accredited ng National Meat Inspection Service.

Kaya naman ang tanging hangad ng punong Ehikutibo ay mas maging maganda at malawak ang lugar na slaughterhouse na katabi ng Auction Market ng lungsod. (PIO/J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.