Bilang parte ng Gender and Development program ng COMELEC, ipinagdiwang kamakailan ng mahigit 80 comelec employees ng lalawigan ng quezon ...
Bilang parte ng Gender and Development program ng COMELEC, ipinagdiwang kamakailan ng mahigit 80 comelec employees ng lalawigan ng quezon ang Women’s month ngayong buwan ng Marso na may temang “We can make change work for women” na pinangunahan ng hepe ng City COMELEC na si Atty. Anna Mei Barbacena.
Upang ipagbunyi ang mga karapatan at importansya ng mga kababaihan sa lipunan, matagumpay ang isinagawang sabay-sabay na pagdaraos ng aktibidad na ito ng mga emleyado ng COMELEC sa buong bansa mula sa iba’t ibang probinsya.
Bukod sa pagdiriwang ng buwan ng mga kababaihan, nagdaos rin ang mga ito ng seminar na pinamagatang ‘Know Election Better Seminar’ o KEBS para sa mga election officer at mga election assistant na dumalo sa pagtitipon. Ang KEBS ay isa sa mga isinasagawang programa ng COMELEC na naglalayong imulat at turuan ang mga kabataan sa nararapat na gawin at alamin upang maging matalinong botante sa darating na halalan at upang maging kaisa tungo sa mas mahusay na gobyerno.
Dagdag pa ni Barbacena, isa rin sa layunin nito ay ang paghikayat sa mga kababaihan na sumali sa kandidatura para sa iba’t-ibang posisyon sa gobyerno ito ay sa kabila ng kanyang obserbasyon na maliit ang bilang ng mga kababihan na sumasali sa kadidatura at nakaupo sa pwesto. Isa aniya ang pag-upo sa pwesto upang ipakita ng mga kababaihan ang kakayanan ng mga ito bilang isang pinuno ng pamayanan.
Nagpahayag rin ng pasasalamat si Barbacena sa punong lungsod ng Lucena sa pagsuporta nito sa kanilang ahensya sa mga akitibidades na kanilang isinasagawa . Inaasahan rin ng hepe ang patuloy na pagsuporta ni Mayor Dondon Alcala sa isasagawang seminar ng kanilang tanggapan sa unang linggo ng buwan ng Abril para naman aniya sa mga Brgy. Officials.

No comments