Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagkakaroon ng Lucena Sports Complex binabalak ng Pamahalaan Panlungsod

“Binabalak po ng pamahalaan panlungsod na magkaroon ng Lucena Sports Complex”. Ito ang ilang sa naging pahayag ni Mayor Roderick “Dondon”A...

“Binabalak po ng pamahalaan panlungsod na magkaroon ng Lucena Sports Complex”.

Ito ang ilang sa naging pahayag ni Mayor Roderick “Dondon”Alcala, sa isinagawang Victory Party para sa mga Delegado ng Team Bagong Lucena na lumaro sa nakaraang Regional Sports Competition kamakailan.

Ayon sa Alkade, inaambisyon ng lungsod ng lucena na magkaroon ng sariling Bagong Lucena Sports Complex.

Sinabi nito na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan para makamtan na aniya ang lupa na pagtatayuan ng naturang complex sa bahagi ng Barangay Bocohan.

Ayon pa kay punong lungsod, iilan panahon na rin hindi lang ang Sports Complex ang aabangan ng mga lucenahin.

Sapagkat nalalapit na rin ang pagkakaroon natin ng sariling Lucena Convention Center sa bahagi ng Lucena City Government Complex.

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo, na pwede makapagpraktice ang mga athletang lucenahin kapag ito ay naisakatuparan na at pabiro pa nitong sinabi na hindi na papawisan ang mga kabataan dito dahil sa naka-aircon ang naturang palaruan.

Samantalang binati naman ni Mayor Dondon Alcala ang mga kabataan manlalaro sa matagumpay na inihatid na karangalan ng mga ito sa lungsod.

Ganoon din ay pinasalamatan nito sina Dr. Aniano Ogayon School Division Superientendent at ang ilan mga kasamahan nito sa DepEd Lucena, maging si Joey Jader at team nito dahil sa ang mga ito ang siyang naghubog sa mga Athletang Lucenahin.

Patuloy naman ang pamahalaan panlungsod sa pangunguna ni Mayor Dondon Alcala sa pagtulong at suporta sa Athleta ng Team ng Bagong Lucena na sumasabak sa mga naturang kompitisyon. (PIO Lucena/ J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.