Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagpapatawag sa mga may-ari ng hotels, motels, bars at iba pang related establishments sa Lucena, isinagawa

Isinagawa ang isang pagpupulong hinggil sa kaukulang panuntunan ng mga establisyemento tulad ng mga hotels, motels, bars at iba pang mga gu...

Isinagawa ang isang pagpupulong hinggil sa kaukulang panuntunan ng mga establisyemento tulad ng mga hotels, motels, bars at iba pang mga gusaling may kaugnayan dito kamakailan.

Ang pagsasagawa ng naturang meeting ay dahilan na din sa ilang serye ng mga krimeng naganap sa lungsod na kasangkot ang mga menor de edad o mga kabataang may edad labing walong taon pababa na nangyari sa mga ganitong uri ng establisyemento.

Dinaluhan ito ng hepe ng Lucena PNP, P/Supt. Vicente Cabatingan; City Admin Anacleto “Jun” Alcala; Business Permit & Licensing Office Head, Julie Fernandez; City Social Welfare Office Head, Malou Maralit; Sangguniang Panlungsod Secretary Leonard Pensader at iba pa.

Gayundin ay pinatawag ang mga may-ari ng iba’t ibang hotels, motels, bars at iba pang related establishments sa lungsod ng Lucena

Sa naging pahayag ni City Admin Jun Alcala, sinabi nito na hindi aniya titigil ang pamahalaang panlungsod sa pamumuno na din Mayor Roderick “Dondon” Alcala, sa pagpapatupad ng mga programa gayundin sa pagtulong sa kapulisan sa pagsugpo at pagpigil sa mga krimen sa lungsod.

Parte din ng naturang pagpupulong ang pagpapaliwanag ni Pensader sa iba’t ibang polisiya na kaugnay sa naturang isyu gayundin ang paglalahad ng Republic Act 7160 o ang Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Dito tinalakay ang mga batas at ordinansa na nilalaman ng nabanggit na RA. Ilan nga sa nakasaad dito ay ang hindi pagpapahintulot sa mga minors na pumasok sa mga establishments na ito maliban na lamang kung may kinalaman ito sa kanilang school activities.

Sa huli ay inaasahan naman ang pagtutulungan ng bawat isang mamamayang Lucenahin sa pagresolba at paglutas sa bawat problema na posibleng mangyari sa lungsod. (PIO Lucena- M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.