Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagsasagawa ng Community Mobilization Program na pinangunahan ng PNP LUCENA

Pinangunahan ng ahensya ng Lucena Philippine National Police ang pagsasaawa ng Community Mobilization Program sa mga barangay na may layuni...

Pinangunahan ng ahensya ng Lucena Philippine National Police ang pagsasaawa ng Community Mobilization Program sa mga barangay na may layunin na makapagtatag ng matibay at sustenableng Community defense system laban sa mga krimen,kawalan ng hustisya,at mga posibleng banta sa pambansang seguridad.

Ang pagsasagawa ng Community Mobilization Program sa bawat barangay ay isa sa mga nakikita ng tanggapan na magiging malaking tulong upang mapanatili ang katahimikan at kapayapaan sa lungsod ng Lucena.

Sa ilalim ng programang ito, 10-20 pamilya ang hawak ng bawat isang cluster leader sa kanilang lugar, ang mga cluster leaders na ito ang dapat na magmasid sa kani-kanilang mga nasasakupan, sakaling may makita at malaman ang mga itong anumalya , ang mga ito na ang bahalang magbigay-alam sa kanilang kapitan. Ang mga kapitan ng bawat barangay naman ang siyang bahala na magbigay ng abiso sa ahensya ng polisya nang sa gayon ay magawan ng aksyon.

Ani ni Cabatingan , sa ganitong paraan umano ay mas magiging mabilis ang pagkalat ng impormasyon sa kanilang tanggapan tungkol sa mga lugar, pangayayari at tao na dapat na mabigyan ng aksyon.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Cabatingan ang kanyang pasasalamat sa mga kapitan ng bawat barangay sa lungsod dahil sa loob aniya ng 26 na araw ng kanyang pagkakaupo sa pwesto bilang hepe ng PNP Lucena, maraming beses na niyang nakausap ang mga ito hinggil sa programa ng kanilang ahensya , indikasyon umano ng 100 porsyentong pakikiisa at pagsuporta sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan sa lungsod ng lucena. (PIO Lucena/ C. Zapanta)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.