Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagsugpo sa child trafficking, prostitusyon at ilegal na droga ng Lucena PNP, tinalakay

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- “Ang problema sa child trafficking, prostitution at drugs na kinakaharap ng lungsod ay dugtong-dugtong”, ito ...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- “Ang problema sa child trafficking, prostitution at drugs na kinakaharap ng lungsod ay dugtong-dugtong”, ito ang naging pahayag ng hepe ng Lucena City PNP na si P/Supt. Vicente Cabatingan sa pagharap nito sa Sangguniang Panlungsod bilang panauhin sa oras kabatiran sa ginanap na regular na sesyon noong lunes.

Matatandaang sa nakalipas na mahigit isang buwan, sunod-sunod ang mga isinagawang operasyon ng tanggapan ng pulisya laban sa child trafficking, prostitusyon at ilegal na droga sa lungsod.

Ani Cabatingan, ang mahigit sa 10 iba’t-ibang operasyon na kanilang isinagawa simula nang siya ay maluklok bilang hepe ng Lucena PNP, lahat ng ito ay konektado sa isa’t-isa. Ilan lamang sa mga halimbawa nito ay ang isang krimen na naganap kamakailan tungkol sa di umano’y bugaw na nagtamo ng 18 saksak mula sa suspek na napag-alamang nasa ilalim ng impluwensya ng ilegal na droga. Gayun din ang pagkakadakip nila sa itinuro ng suspek na nagbubugaw sa mga kasamahan ng babaeng napatay nito na nakatira umano sa Brgy Dalahican na kung saan mahigit 50 katao naman ang kanilang nakasuhan dahil sa pagbatak at pagbebenta ng shabu.

Bukod naman sa isyu ng child trafficking na kung saan naaresto ang mga ibinubugaw na minor de edad na estudyante ng isang pampublikong paaralan ng sekondarya sa lungsod, sinamantala na rin ni Cabatingan ang pagkakataon upang ipakita sa mga kasamahan niyang bisita sa Sangguniang Panlungsod lalong-lalo na kay Division Spt. DepEd Region 4-A, Calabarzon Dr. Aniano Ogayon, ang mga nakaraan nitong operasyon patungkol sa ipinagbabawal na marijuana na ngayon ay inihahalo na sa mga gummy bears at mga chocolate candies.

Nais ng hepe na magkaroon ng information drive ang DepEd at mabuhay ang kamalayan ng hindi lang mga magulang maging ng mga guro tungkol sa ganitong modus nang sa gayon ay mapigilan ang posobleng paglaganap nito sa mga paaralan lalo’t higit sa mga kolehiyo. Sa isinagawa nilang tactical interview, umamin aniya ang dealer nito na nakapagmarket ang kanilang grupo sa ilang universidad sa lungsod. Inihayag naman ni cabatingan na tinitiyak ng kanilang tanggapan na masugid nilang binabanatayan at inaaksyunan ang mga taong sangkot sa mga illegal na gawaing ito lalong-lalo na ang ang mga malalaking personalidad sa likod nito.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.