Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

Pamunuan ng Rotary Club Lucena South, nagbigay kortesiya kay Mayor Dondon Alcala

Sa pagnanais na muling mabisita ang isa sa kanilang mga miyembro, nagbigay kortesiya ang pamunuaan ng Rotary Club-Lucena South sa tanggapan...

Sa pagnanais na muling mabisita ang isa sa kanilang mga miyembro, nagbigay kortesiya ang pamunuaan ng Rotary Club-Lucena South sa tanggapan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala kahapon ng umaga.

Pinangunahan ng president ng naturang samahan na si Owen De Mesa ang pagtungong ito upang ipakita ang kanilang patuloy na buong pagsuporta sa lahat ng mga programa at proyekto ng kanilang kagrupo.

Kasama rin na nagpunta dito ni De Mesa ang ilang mga kilalang miyembro ng Rotary Club-Lucena South kagaya nina Councilor Anacleto Alcala III, Norman Nadera, at marami pang iba.

Isa rin sa naging dahilan ng pagtungong ito ng kanilang grupo ay upang imbitahin si Mayor Alcala sa kanilang gagawing proyekto ng shoot for a cause.

Ang palarong ito ay ang “Kayakas Memorial Cup” na gaganapin sa Stanch Security and Investigation Inc. Firing Range sa bahagi ng Brgy. Domoit.

Ang nabanggit na shooting competition ay PPSA Sanctioned Match na kung saan ay inaasahan rin ang pagdalo ng iba pang mga shooting enthusiast mula sa iba’t-ibang bayan sa bansa.

At batay na rin sa pahayag ni Sir Owen De Mesa, magkakaroon rin ng clinic sa paghawak at paggamit ng baril, at maging ang mga dapat tandaan sa pag-iingat dito bago pa man magsimula ang nasabing patimpalak.

Malugod naming pinaunlakan ng punong lungsod ang imbitasyon na ito ni De Mesa at ng kaniyang mga kasamahan sa Rotary Club-Lucena South.

At sa pagpapaunlak na ito ng alkalde ay lubos naman na nagpasalamat si RCLS President Owen De Mesa kay Mayor Alcala gayundin sa pagsuporta nito sa kanilang proyekto.

Ang shooting competition na nabanggit ng Rotary Club-Lucena South ay isa lamang sa mga proyekto ng naturang samahan na naglalayong makalikom ng pondo para sa kanilang mga gagawing programa at proyekto na sadyang nakatutulong para sa ibang mga Lucenahin at maging sa iba pa. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.