Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Patuloy kami sa paghahanda para sa Barangay at SK Elections - COMELEC Lucena

by Nimfa L. Estrellado LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- “Patuloy kami sa paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections ha...

by Nimfa L. Estrellado

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- “Patuloy kami sa paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections hangga’t wala kaming natatanggap na impormasyon sa pagpapaliban nito,” ito ang naging pahayag ni Atty. Ana Mei Barbacena, Lucena City COMELEC officer tagapagsalita sa idinaos na Kapihan sa PIA sa Pacific Mall sa lungsod na ito kamakailan, kaugnay sa mga balitang ipagpapaliban muli ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakda sa Mayo 14, 2018, wala nang dalawang buwan mula ngayon.

Ayon kay Atty. Barbacena, ang usapin sa pagpapaliban sa halalan ay nasa Mababang Kapulungan pa at hindi pa ito dapat pagbasehan sa ngayon kung hindi matutuloy ang Barangay at SK Elections sa Mayo 14, 2018.

Sa ilalim ng COMELEC Resolution 10246, magsisimula ang election period sa Abril 14 at magtatapos ito sa Mayo 21, 2018 habang ang filing ng certificate of candidacy (COC) naman ay mula Abril 14 hanggang Abril 20, 2018.

Ang panahon ng kampanya ay Mayo 4, 2018 hanggang Mayo 12 lang at pagdating ng Mayo 13 hanggang pagsapit sa araw ng halalan sa Mayo 14 mariin ng ipinagbabawal ng Comelec ang pangangampanya. Ipinagbabawal din ng Comelec ang pagbibigay ng mga kandidato sa mga botante ng anumang donasyon, regalo o cash maging ang pag-appoint o paggamit ng special policemen o confidential agents.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.