Nagbigay ng buong pagsuporta at nagpahayag ng kanya-kanyang mga mungkahi ang mga kasamahan sa konseho ni Konsehal Atty.Boyet Alejandrino sa...
Nagbigay ng buong pagsuporta at nagpahayag ng kanya-kanyang mga mungkahi ang mga kasamahan sa konseho ni Konsehal Atty.Boyet Alejandrino sa prebilehiyong talumpati nito patungkol sa pagdulog sa mas lumalalang suliranin ng trapiko sa lungsod ng Lucena sa ginanap na regular na sesyon kamakailan.
Ani konsehal Alejandrino kung ikukumpara sa ibang bayan, trapiko ang pangunahing suliranin sa lungsod ng Lucena. Kasabay ng pag-unlad ng lungsod sa maraming aspeto ay pagharap nito sa problema ukol sa pagtindi ng trapiko na dinaranas ng mga motorista sa araw-araw.
Kung kaya’t batid ng konsehal na kinakailangan na ng Sanguniang panlungsod na magbigay ng sapat na solusyon upang malutas ang lumalalang dilemang ito .
Kaugnay nito, matatandaan ang pagsasabatas noong taong 2014 ng “Ordinance Governing New Traffic Routes”, ngunit giit ng Konsehal na bukod sa pagkakaroon ng mga batas, mas kinakailangan ng matinding pagsubaybay sa pagpapatupad nito.
Ani ni Konsehal Alcala, ilan lamang sa mga “contributing factors” sa pagbigat ng daloy ng trapiko sa lungsod ay mas pinalawak na mga kalsada na ginagamit na parking space ng ilang mga behikulo , ang mga sidewalk vendors na nakaharang sa mga lugar na pwedeng pagparadahan, gayundin ang kawalan ng sapat na lugar na pwedeng pagparadahan ng mga sasakyan na nagiging dahilan ng pagpapaikot-ikot ng mga ito sa mga kalsada na nagiging dahilan rin ng trapiko.
Bukod sa pinsalang dulot ng trapiko sa emosyon ng mga byahero, hindi rin biro ang danyos na hatid ng matinding trapiko sa ekonomiya. Ayon rin sa pagaaral , milyon-milyon din ang nawawala sa mga mamayan ng lungsod sa araw-araw dahil lamang sa trapiko.
Ilan lamng sa mga suhestyon ng mga konsehal upang mas maging mabisa ang gagawing pag-aksyon sa suliraning itp ay ang pagkakaroon ng mas malaking tanggapan ng trapiko, ang pagtatalaga ng mga karagdagang traffic enforcers at mga pulis na magsasaayos ng daloy ng trapiko sa araw-araw, paglalaan ng karagdagang lugar na kung saan pwedeng magparada ang mga sasakyan, ang paglalagay ng sapat na traffic signages, pagbibigay ng mga alternatibong ruta gayundin ang pagsasaayos ng mga kalye nito at ang pagtitiyak na walang mga sagabal sa mga ibibigay na alternatibong ruta sa mga motorista, pati na rin ang pagsisimula ng pagbubutas ng mga karagdagang kalye na maaring gawing daan, gayundin ang pagbaba sa barangay level ng pagdedesipina at pagpapatupad ng mga batas trapiko.
Sa pasasaayos ng suliraning ito, hindi lang kooperasyon ng grupo ng mga traffic enforcers ang kinakailangan, kailangan din ng kooperasyon ng ibang ahensya katulad ng City of Engineering , gayundin ang pakikiisa ng mga motorist sa paraan ng pagiging disiplinado ng mga ito.
Nais iparating ng kosehal hindi lamang para sa mga nagmamaneho ng pampublikong sasakyan maging sa mga may ari ng pribadong behikulo ang pagsunod sa batas. Sa huli, nararapat lamang na malaman ng bawat Lucenahin na walang bisa ang anumang panukala kung ang iisipin lamang ng bawat motorista ay ang pansariling ginhawa.
(PIO Lucena/ C. Zapanta)

No comments