Muling pinasinayaan ng tanggapan ng panlungsod na aklatan ang programa nilang Booklatan sa Palengke na ginanap noong nakaraang biyernes sa ...
Muling pinasinayaan ng tanggapan ng panlungsod na aklatan ang programa nilang Booklatan sa Palengke na ginanap noong nakaraang biyernes sa Lucena City Public Market.
Ang naturang programa ay isinagawa bilang pakikiisa sa ika limampu’t siyam na taon ng araw ng Pampublikong silid-aklatan sa Pilipinas.
Sa naging panayam ng TV12 kay Lyvia Villapando, Librarian II ng naturang ahensya, inatasan aniya ng National Library ang lahat ng mga public libraries sa bansa na magsagawa ng isang kakaibang aktibidad para sa publiko na magpo-promote ng mga libraries sa bawat lugar gayundin ang panghihikayat sa mga tao ng pagbabasa.
Bukas ang naturang programa para sa lahat ng mamamayan, sa katunayan nga aniya ay iba’t ibang sektor ng lipunan ang pumupunta dito kabilang na ang mga batang lansangan, mga namamalengke, mga Lucenahing may hinihintay na sadyang napapatigil sa venue at napapaupo upang magbasa ng iba’t ibang lathalain.
Dagdag pa ni Villapando, bukod sa mga libro, dyaryo, magazines at iba pang printed materials, mayroon ding mga star books na galing sa Department of Science and Technology na mistulang E-library na kung saan naglalaman ito ng mga computerized at digitized book collections ng DOST para sa mga nais kumuha ng impormasyon dito.
Kumpara naman aniya noong nakaraang taon ay maituturing na mas madami ang nakiisa at nakilahok ngayon sa kanilang programa dahilan aniya sa umaga pa lamang ay marami na ang pumupunta dito lalo’t higit ang mga kabataan.
Malaking kaambagan din aniya sa matagumapay na pagdaraos nito ang suporta at tulong sa kanilang tanggapan mula sa pamahalaang panlungsod sa mahusay na pamumuno na din ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala at sa hepe ng City Library na si Miled Ibeas.
Inaasahan naman ang patuloy pang pagsasagawa ng mga programa at proyekto ng kanilang tanggapan kaisa ng kanilang adhikain na mas maipahayag pa ang kahalagahan ng pagbabasa. (PIO Lucena M.A Minor)

No comments