Malugod na ipinahayag ng tanggapan ng Lucena PNP sa pangunguna ng hepe nito na si SUPT. VICENTE CABATINGAN ang mataas na bilang ng accom...
Malugod na ipinahayag ng tanggapan ng Lucena PNP sa pangunguna ng hepe nito na si SUPT. VICENTE CABATINGAN ang mataas na bilang ng accomplishment report ng kanilang ahensya matapos ang isang buwan na pagkakaluklok niya sa pwesto bilang hepe ng pulisya.
Sa tulong aniya ng mga kapitan ng barangay maging ng mga ordinaryong mamamayan na araw-araw na nakikipagtulungan sa kanilang ahensya, tinatayang aabot sa mahigit na animnapo ang naiulat na naaresto sa lungsod na may kaugnayan sa illegal drugs, illegal gambling at iba pang pagresponde sa ibang krimen, ito ang binigyang diin ni Cabatingan sa kanyang pahayag sa nakalipas na regular flag raising ceremony kamakailan.
Ibinahagi rin nito sa mga Lucenahin ang naging matagumpay na pagdaraos ng Orientation of Community Mobilization Program. Isang programa na nagbibigay daan sa mga barangay captains at mga cluster leaders ng bawat barangay sa lucena upang makiiisa at tumulong sa tangapan ng pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan sa kani-kanilang komunidad. Inamin ng hepe na isa rin ito umano sa dahilan kung bakit tumaaas agad ang bilang ng operational accomplishments ng kanilang ahensya.
Pagdating anya sa mga drug operations na kanilag isinagawa, 36 na nagtutulak at gumagamit ng droga na ang nasa kanilang kostodiya. Kabilang na dito ang nadakip na 77 taong gulang na drug pusher na residente ng isang barangay sa poblacion. Ayon kay Cabatingan, matagal nang inilalapit sa kanilang tanggapan ang tungkol sa di umano’y pinagkukuhanan ng illegal na droga sa lungsod.
Dagdag pa nito, tinutukan rin aniya ng kanyang pamunuan ang isyu tungkol sa lumalaganap na prostitusyon sa mga National highschool sa lungsod. Kaugnay nito, iniulat ni Cabatingan ang pagkakadakip nila sa suspek sa pagpatay sa isang babae na di umano’y nagbebenta ng aliw na nagtamo ng 18 saksak mula sa di umano’y kliyente nito sa isang motel sa lungsod.
Ikinatuwa rin ng hepe ang pagkakadakip sa grupo ng mga akyat bahay gang sa mga high-end subdivisions kung kaya aniya wala nang naiuulat na mga nakawan sa mga lugar na katulad nito.
Sa grupo naman ng mga wanted persons sa lungsod, 11 dito ay nasa kamay na ng polisya. Sa tulong rin aniya ng kapitan ng barangay, nahuli na ang isang grupo ng gun for hire sa isang barangay sa lungsod.
Ipinahayag rin ni Cabatingan ang kanyang pasasalamat sa patuloy na pagsuporta ng punong lungsod na si Mayor Dondon Alcala sa mga proyekto at pangangailangan ng kanilang tanggapan na naging malaking tulong umano sa matagumpay na pagsasakatuparan ng kanilang mga operasyon.
(PIO Lucena/ C. Zapanta)

No comments