Matapos ang anim na taong paghihintay, muli na namang naghost ng taunang Regional Private School Athletics Association ang lalawigan ng Que...
Matapos ang anim na taong paghihintay, muli na namang naghost ng taunang Regional Private School Athletics Association ang lalawigan ng Quezon.
Sa pagkakataong ito, ginanap ang nasabing paligsahan sa Manuel S. Enverga University Foundation na kung saan ay dito ginanap ang halos lahat ng mga event.
Nagsimula ang paligasahang nabanggit noong ika-8 hanggang sa ika-11 ng Marsona at nilahukan ng mga manlalaro mula sa pribadong paaralan sa buong Calabarzon.
Pinangunahan ni Sir Henry Porte ang president ng PRISAA Quezon ang delegasyon ng Team Quezon nakung saan ay sinamahan rin ito ni Mhel Villanueva, ang isa sa Board of Director ng PRISAA Quezon.
Naging panauhing pandangal naman sa isinagawang opening ceremony si Mam Fe Medina, ang Presidente ng Regional PRISAA.
Isang rin sa matagumpay na isinagawa bilang bahagi ng nasabing paligsahan ay ang Mutya ng PRISAA na ginanap naman sa SM City-Lucena.
Sa pagdaraos ng mga naturang palaro, lubos ring pinasalamatan ni Sir Mhel Villanueva si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa ginawang pagsuporta nito para dito.
Gayundin binigyang pasasalamat rin ng nabanggit na opisyal ang mga principal ng Elvira Razon Elementary School at ang Lucena City National High School sa pagpapaunlak nito na ipagamit ang kanilang paaralan bilang mga silid na gagamitin ng mga manlalaro habang idinadaos ang Regional PRISAA.
Ang pagdaraos ng ganitong uri ng mga paligsahan sa larangan ng pamapalakasan at ang paglahok ng mga atleta sa ating lalawigan ay isang paraan rin upang maipamalas ng mga atletang Lucenahin at maging ng mga Quezon ang kanilang angking galing sa larangan ng pamapalakasan. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments