Sa pagnanais na mas mapanatili ang kaayusan sa lungsod ng Lucena, nagsagawa ang tanggapan ng Traffic Enforcement Section kaisa ang kapulisa...
Sa pagnanais na mas mapanatili ang kaayusan sa lungsod ng Lucena, nagsagawa ang tanggapan ng Traffic Enforcement Section kaisa ang kapulisan ng lungsod at mga awtoridad mula sa Public Market, ng clearing operation na naglalayong paalisin ang mga illegal vendors sa mga sidewalks at kalsada sa kabayanan.
Sa naging panayam ng TV12 sa hepe ng tanggapan ng traffic enforcement na si Jaime De Mesa, matagal na aniya silang nagsasagawa ng pagpapakalap ng impormasyon o information dissemination tungkol sa pagbabawal sa mga illegal vendors na magtinda sa hindi tamang lugar alinsunod na din sa city ordinance.
Ipinagbabawal kasi ang pagtitinda sa mga sidewalks at mga pampublikong kalsada na dinadaanan ng mga sasakayan partikular na sa kahabaan ng CM Recto at Merchan street.
Sa pagsasagawa nito, ang bawat illegal vendors na mahuhuli ay kukumpiskahin ang kanilang mga kariton at baskets na pinaglalagyan ng kanilang mga paninda at i-impound ang mga ito upang hindi na muling magamit pa ng mga maninindahan samantalang ang lahat naman ng kanilang paninda ay isasauli sa kanila.
Ayon pa kay De Mesa, kabilang sa mga huhulihin ay ang mga illegal vendors na nakapwesto sa mga sidewalks at kalsada gayundin ang mga maninindahan na gumagamit ng tricycle at iba pang behikulo para paglagyan ng kanilang mga paninda. Bagamat ang kanilang mga sasakayan aniya ay naka-park sa parking area ngunit bilang nagtitinda pa din sila ay ikinokonsidera pa din silang illegal vendors.
Layunin din ng operasyon na ito na maging malinis at maayos ang kapaligiran ng lungsod sa pamamagitan ng maayos na daloy ng mga sasakyan na makakaiwas sa pagsikip ng trapiko.
Dagdag pa nito, kung ang lahat ng mamamayan ay magkakaroon ng kooperasyon at pagkakaisa ay asahang magiging maayos ang pamumuhay ng bawat isa.
Inaasahan naman ang tuloy-tuloy na pagsasagawa ng kanilang ahensya ng mga operasyon at programa para sa pagpapanatili ng kaayusan sa lungsod ng Lucena lalo’t higit sa aspeto ng trapiko. (PIO Lucena/ M.A. Minor)

No comments