MAKIKINABANANG ang humigit kumulang sa isandaang mag aaral ng Ilayang Talim Elementary School sa lungsod ng Lucena matapos ang isinagawang ...
MAKIKINABANANG ang humigit kumulang sa isandaang mag aaral ng Ilayang Talim Elementary School sa lungsod ng Lucena matapos ang isinagawang turn-over ng tatlong silid aralan na pinangasiwaan ng The Original Ugat Lucena Asscociation Incorporated o TOULAI na pinamunuan ng lady president nito na si Ms.Nova Villanueva Veluz.
Matatandaan na noong setyembre ng nakaraang taon sa pamamagitan ng paglagda sa isang memorandum of agreement nang mapili ng TOULAI ang nasabing paaralan bilang benepisaryo ng kanilang fund raising campaign.
Kinailangan lamang ng mahigit kumulang na apat na buwan ng rehabilitasyon ng nasabing paaralan upang maisaayos ito ng lubusan sa maigting na pagsubaybay na rin ni Erikka Barcelona Monterey.
Sinaksihan ang nasabing turn over ceremony ng mga past presidents ng TOULAI, mga miyembro nito, mga guro ng ilayang talim elementary school, mga bumubuo ng parents teachers association, kabilang na rin ang mga barangay officials sa pangunguna naman ni Kapitan Rey rosales.
Ayon Kay Ms. Nova Veluz, tinatayang umabot sa halagang 600 libong piso ang kabuuang ginastos sa rehabiltasyon ng nasabing paaralan kung saan ay naging katuwang din dito ang Buddy’s Pizza.
Isa lamang ang nasabing kauring proyekto ang isinasagawa ng TOULAI. Matatandaan na noon ay nagkaloob din ang nasabing samahan ng chandelier sa St. Ferdinand cathedral sa ilalim ng liderato ni Ramil estrope at mga computer sets sa Dalubhasaang Lungsod ng Lucena sa ilalim naman ng pamumuno ni Dr. Shewrin Llego.
Ayon pa rin kay Nova Veluz, masarap umano sa kanyang pakiramdam na makitang pakikinabangan na ng mga mag-aaral ang kanilang proyekto. Lubos aniyang nakabawas ng malaki sa kanilang pagod ang makitang may magagamit na karagdagang silid aralan ang mga estudyante sa nasabing paaralan.
Lubos naman ang ipinarating na pasasalamat ni Josephine Ocampo, punong-guro ng Ilayang Talim Elementary School sa ipinagkaloob na proyekto ng The Original Ugat Lucena Association Incorporated. Ayon dito, naging tulay ang nasabing samahan para madulutan sila ng kaginhawaan sa aspeto ng pagtuturo. Idinagdag din nito na maliban sa pagiging silid aralan ay maaari din nila itong gamitin sa iba pang functions ng kanilang school.
Inaasahan naman ang paglulunsad pa ng mga kauring mga proyekto sa pamamagitan ng TOULI sa pmamagitan ng mga mamumuno sa nasabing samahan sa mga susunod na panahon.
(PIO Lucena/ C. Zapanta)

No comments