Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

CITY AGRICULTURIST OFFICE PINAGTUTUNAN NG PANSIN ANG LIVESTOCK RAISING SA LUNGSOD

Upang malaman ang bilang ng mga naghahayupan natin mga kababayan lucenahin sa lungsod ay mag-oorganisa ang tanggapan ng City Agriculturist ...

Upang malaman ang bilang ng mga naghahayupan natin mga kababayan lucenahin sa lungsod ay mag-oorganisa ang tanggapan ng City Agriculturist para sa Livestock Raising na sa ngayon ay kanilang pinagtutuunan ng pansin.

Ito ang ilan pa sa naging pahayag ni Melissa Letargo Head ng City Agriculturist Office sa naging panayam ng TV12 dito kamakailan.

Ayon kay Letargo, bukod aniya sa pagtutok ng kanilang tanggapan sa mga programa at proyekto para sa mga farmers sa lungsod.

Ay isa rin ang kanilang pinagtutuunan ng pansin ay ang pangagalap ng data kung gaano karami ang population ng hayop sa lungsod ng lucena.

Ayon dito sa mga rural barangay na mayroon mga hayop na inaalagan tulad ng mga kambing, kalabaw, baka at kabayo ang kanilang pupuntahan, hindi kasama dito ang aso at pusa.

Sinabi pa ng hepe ng Agriculturist Office, ang unang hakbang na kanilang gagawin ay pupunta sa lugar upang kunin nila ang mga pangalan ng farmers at kung ilan ang inaalagaan na hayop at anong klaseng hayop ito.

Dagdag pa nito na aalamin rin nila kung nakarehistro o hindi at kung mayroon rin sertipiko o wala ang mga alagang hayop nila.

Ayon pa kay Melissa Letargo, na kapag nakuha na nila ang data ng mga ito ay puwede na silang mag-organize ng livestock raising para mapagtuunan ng kanilang tanggapan ang pag-aalaga ng hayop ng natin mga kababayan sa bawat rural area sa lungsod.

Aalamin rin nila kung ano pa yon assistance na puwedeng ibigay ng pamahalaan panlungsod sa mga naghahayupan natin mga mamamayan lucenahin.

Sa ganitong pamamaraan ay sinisikap pa ng pamahalaan panlungsod maibigay sa mga mamamayan lucenahin ang pangangailangan ng mga nasa sektor ng agrikultura dahil ang tanging hanggad ni Mayor Dondon Alcala ay umangat ang antas ng pamumuhay ng bawat kababayan natin sa bagong lucena. (PIO Lucena J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.