Upang magbigay linaw at bigyang kaalaman ang publiko sa lagay ng isa sa mga sakit na kinababahala sa lucena ay inanayayahan ng sangguniang ...
Upang magbigay linaw at bigyang kaalaman ang publiko sa lagay ng isa sa mga sakit na kinababahala sa lucena ay inanayayahan ng sangguniang panlungsod ang ilan sa mga tanggapan na konektado sa pagsugpo sa sakit na rabies.
Ayon kay konsehal william noche, ang sakit na rabies ay isa sa mga dapat na bigyang pansin s alunsod dahil sa kalaunan umano ay maaaring mas magdala pa ng pangamba sa mga mamayan kesa sa takot na ibinigay ng isyu ng bakunang dengvaxia.
Tumalima naman sa patawag na ito ang city veterinarian na si dr. Winston avillo gayundin ang animal bite coordinator ng city health office na si mila estable.
Sa nasabing pagpupulong, nagbigay ng datos ang tanggapan ng city health sa pamamagitan ni estable sa mga nakagat ng mga hayo na dumulog sa kanilang tanggapan maging ang bilang ng mga taong nabakunahan nila ng anti-rabies vaccine.
Nagbigay rin ng update ang city vet office sa pangunguna ni dr. Winston avillo sa bilang ng mga naturukan na ng kanilang tanggapan sa unang kwarter ng taon.
Ang impeksyon ng rabies ay isang sakit na kapag hindi naagapan ay maaaring makamatay. Talamak ito hindi lamang sa lungsod ng lucena at sa abuong pilipinas kundi maging sa mga karatig bansa nito sa asya. Malimit na nagdadala ng rabies ay ang mga aso lalo na ang mga asong napabayaan na sa kalye.
Kaugnay nito ay binigyang pansin ng konseho ang tungkol sa mga ginagawang aktibidades ng city vet office upang mabawasan ang kaso ng mga nagkakarabies sa lungsod.
Iminungkahi rin sa nasabing pagpupulong ang mga bagay na dapat na malaman ng mga lucenahin na kaakibat ng responsableng pagaalaga ng hayop na naaayon sa republic act 9482 o mas kilala bilang anti-rabies act of 2007.
Maging ang mga posibleng multang maaring ipataw sa mga may ari ng aso at pusa na hindi ipinaparehistro ang mg alagang hayop gayundin ang parusang matatanggap ng mga ito kapag nakakagat ng tao ay binigyang pansin rin.
Idinaing din ng konseho ang perwisyong naidudulot ng mga aso at pusang kalye sa kalinisan ng lungsod. Ang pagkakalkal umano ng mga ito ay nagiging dahilan rin ng pagkalat ng mga basura sa daan o maging sa mga lugar na tinatambakan nito.
Sa pagpapatawag sa mga nasabing tanggapan, inaasahan ng pamahalaang panlungsod na mabibigyan pa lalo ng kaukulang pansin ang isyu ng rabies bago pa tuluyang lumala ito. (Pio lucena- c. Zapanta)

No comments